Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Pagkilala Sa Ama

Isang sikat na tagakumpas si Sir Thomas Beecham sa England. Minsan may kumalat na kuwento na nakakita raw siya ng isang babae sa hotel. Pakiramdam ni Thomas kilala niya ang babae pero hindi niya maalala ang pangalan nito.

Kaya naman, nilapitan at kinausap niya ang babae. Habang nag-uusap sila, naalala ni Thomas na parang may kapatid na lalaki itong kausap…

Kasama Mo Ang Dios

Minsan, naglilinis ako sa aming hardin nang may nakita akong dikit-dikit na damo. Kaya naman, binunot ko ang mga ito; nagulat ako dahil muntik ko nang maisama sa pag bunot ang isang makamandag na ahas. Napakalapit nito sa akin at maaari talaga akong matuklaw. Dahil sa pangyayaring ito, naisip ko kung ilang beses na kaya akong inililigtas ng Dios sa…

Magpursigi Hanggang Dulo

Matagal nang panahon na ninanais ng mga Keliko, isang tribo sa bansang South Sudan, na magkarooon ng sariling Biblia sa kanilang wika. Kaya naman, pangahas na sinimulan ito ng lolo ni Bishop Semi Nigo ang pagsasalin ng Biblia.

Pero sa hindi inaasahang pangyayari, naantala ito dahil sa giyera. Ang mga giyera ang naging balakid para hindi matapos ang pagsasalin ng…

Ligtas at Payapa

Likas sa mga bata ang pagiging masigla at masayahin. Ganoon din ang anak ko na si Xavier. Sa halip na matulog sa hapon, lagi niya akong kinukulit at kinukuha ang aking pansin sa mga bagay katulad ng pagkagutom, pagkauhaw at iba pa. Dahil naman sa ginagawa ni Xavier, minsan hindi ko na maramdaman ang kapayapaan. Alam ko ang kahalagahan ng…

Walang Katapusan

May sakit na epilepsy ang kapatid kong si Paul. Mas naging malubha ang karamdaman niya nang magbinata siya. Naging mahirap para sa kanya at para sa aking mga magulang ang kanyang sakit. May pagkakataon na halos mahigit anim na oras siyang inaatake ng epilepsy.

Walang mahanap na gamot ang mga doktor para maging maayos ang kanyang kalagayan. Kaya, laging taimtim na…

Hindi Na Ikaw

Noong 1859, si Monsieur Charles Blondin ang naging kauna-unahang taong nakatawid sa Niagara Falls habang nagbabalanse sa isang mahigpit na lubid. May pagkakataon na tumawid siya rito na buhat sa kanyang likod si Harry Colcord na kanyang manager.

May mga tagubilin si Blondin kay Colcord sa kanilang pagtawid: “Harry, sundan mo ang galaw ko sa pagtawid natin. Kung gumewang ako, gumewang…

Harapin Ang Takot

Pumunta si Warren sa isang maliit na bayan upang maging pastor sa isang simbahan doon. Matagumpay na nagsimula ang paglilingkod niya roon. Pero makalipas ang ilang panahon, may isang residente roon na gumawa ng kuwentong nag-aakusa kay Warren ng masasamang gawain. Nais pang ipalathala sa diyaryo ng taong ito ang ginawa niyang kuwento tungkol kay Warren. Nang mangyari ito, taimtim…

Pagiging Tao

Isang dating palabas sa telebisyon ang Little House on the Prairie. May eksena sa programang ito kung saan nakita ng labing-dalawang taong gulang na si Albert na umiiyak si Mr. Singerman.

Tinanong ni Albert si Mr. Singerman kung bakit siya umiiyak. Sinabi ni Mr. Singerman na, “Umiiyak ako dahil tinuruan ako ng tatay at ng lolo ko na ayos lamang…

Hindi Ka Nag-iisa

Ayon sa manunulat na si Maggie Fergusson, ang kalungkutang dulot ng pag-iisa ay mas nakakapangilabot kaysa sa pagkawala ng tirahan, pagkagutom o pagkakaroon ng sakit. Idinetalye niya sa isang magasin ang pagtaas ng bilang ng mga taong nakakaranas ng matinding kalungkutang dulot ng pag-iisa. Nararanasan din daw ito ng sinumang tao anuman ang katayuan niya sa buhay.

Hindi na bago…

Magbigay Liwanag

Lumipat kami ng tirahan ng aking asawa. Pero kahit na malayo na kami sa aming mga anak, nais ko pa ring siguruhing nasa maayos silang kalagayan. Minsan, nakakita ako ng regalong maaari kong ibigay sa kanila. Isa itong lampara na maaaring ikonekta sa internet.

Kapag tinapik ko ang aking lampara, iilaw din ang kanilang lampara. Sinabi ko sa kanila na…