Para Kanino?
Maraming tao ang naghihintay sa pagdating ng papa sa Roma. Nagsasaya sila at may mga banderitas na iwinawagay. Pero sa gitna ng kalye ay may pagala-gala na tuta na nasisiyahan dahil tila akala nito na ang mga tao ay nagsasaya para sa kanya.
Nakakatuwang makita kapag ang isang tuta ay tila inaagaw ang atensyon o papuri na hindi para sa…
Pag-asa Mula Sa Dios
Maysakit ako na tinatawag na SAD o Seasonal Affective Disorder. Isa itong karamdaman na karaniwan sa mga taong nakatira sa mga lugar na nagkakaroon ng niyebe. Isa itong uri ng sakit kung saan nakakaramdam ako ng matinding lungkot tuwing panahon ng taglamig dahil natatakot ako na baka hindi na tumigil ang panahong ito.
Pero tuwing nagsisimula na ang panahon ng…
Panalangin Sa Dalampasigan
Ipinagdiwang naming mag-asawa ang ikadalawampu’t limang taong anibersaryo ng aming kasal sa isang bakasyunan. Habang nagbabasa kami ng aming Biblia sa may dalampasigan, may mga lumapit sa amin na nagtitinda ng iba’t ibang produkto. Nagpasalamat kami sa kanila pero hindi kami bumili. May isang nagtitinda roon na ang pangalan ay Fernando. Hinikayat niya kaming bumili ng mga produkto bilang aming…
Huwag Matakot
Natatakot ang batang si Caleb sa dilim. Natatakot pa rin siya kahit na may munting lamparang inilagay ang kanyang nanay sa kuwarto niya. Isang gabi, may idinikit na talata sa Biblia ang kanyang tatay sa may bandang paanan ng kanyang kama.
Ang talatang iyon ay ang Josue 1:9, “Magpa-katatag ka at magpakatapang. Huwag kang matakot...dahil Ako, ang Panginoon na iyong…
Matibay Na Pananampalataya
Noong Abril 2019, natabunan ng damong tumbleweeds ang isang lugar sa California. Ang tumbleweeds ay mga tuyong damo na hinangin mula sa Mojave Desert. Tumataas ang damong ito ng halos anim na talampakan at nabubunot ang ugat nito kapag hinangin nang malakas.
Ipinapaalala sa akin ng tumbleweeds ang paglalarawan ni Propeta Jeremias sa isang taong lumalayo sa Panginoon (Jeremias 17:5). Sinabi niya na…
Hindi Man Maunawaan
Ang pelikulang Bambi ay isang pelikula noong 1942 na muling ipinalabas sa mga sinehan. Tungkol ito sa buhay ng isang batang usa na si Bambi. May eksena sa pelikulang iyon kung saan binaril ng isang mangangaso ang nanay ni Bambi. Nakakalungkot na eksena iyon, pero may isang batang sumigaw sa sinehan na “Wow, ang galing ng tirang iyon!” Napahiya ang nanay…
Ayon Sa Espiritu
Napakaganda ng tunog ng pianong ginagamit ko noong hindi pa nawawala sa tono ang ilang mga nota. Tandang- tanda ko pa ang aking pagkamangha habang pinapakinggan ang pagtugtog sa pianong iyon ng ilang awitin tulad ng “Dakila Ka.” Sa pamamagitan ng piano tuner, muling maisasatono ang bawat nota na nawala sa tono para kapag tinugtog na ito, magkakalakip-lakip na ang…
Problema Ng Mundo
May tanong na nailathala sa diyarong The London Times: Anong problema sa mundo? Maraming sagot ang natanggap ng diyaryo pero may isang sagot na nangibabaw sa lahat. Apat na salita lamang ang isinulat na sagot ng manunulat na si G. K. Chesterton: “Ang problema ay ako.”
Masasabi nating tama ang sagot ni Chesterton. Sa Biblia naman ay mababasa natin ang tungkol…
Kalakasan Sa Kahinaan
May grupo ng mahuhusay na mananahi sa bansang Netherlands ang nag-aayos ng mga damit na may tagpi. Nagdadala sila ng mga sirang damit at inaayos nila ang mga tagpi nito upang mas mapaganda ito.
Ang pag-aayos ng damit na may tagpi ay maihahalintulad sa naging karanasan ni Pablo. Ang mga tagpi ay katulad ng mga kahinaan ni Pablo. Subalit kahit…
Mga Pangako
Noong 1979, nadiskubre nina Dr. Gabriel Barkay at ng kanyang mga kasamahan ang dalawang scroll na nakabaon sa dating lungsod ng Jerusalem. Noong 2004, matapos ang dalawampu’t limang taon ng maingat na pag-aaral, kinum- pirma ng mga iskolar na ang nadiskubre nilang scrolls ang pinakamatandang scrolls ng Biblia. Nakabaon ito noon pang 600 B.C. Ang isa pang nakakamangha dito ay…