Makamit ang Gantimpala
Sa pelikulang Forrest Gump na ipinalabas noong 1994, naging sikat si Forrest dahil sa kanyang pagtakbo. Nagsimula siya sa kagustuhang makaabot lang sa dulo ng kalsada pero umabot ang pagtakbo niya ng tatlong taon, dalawang buwan, labing apat na araw at labing anim na oras. Naikot na niya ang bawat kalsada sa Amerika hanggang sa tumigil na siya dahil nawalan na…
Pagtutulungan
Bumubuo ng pabilog na hanay ang mga African gazelle na uri ng usa kapag nagpapahinga sila sa kapatagan. Nakaharap palabas ang bawat isa at nakaposisyon sa iba’t ibang direksyon para madaling bantayan ang buong paligid at mabigyang babala ang iba kung may paparating na panganib.
Sa halip na sarili lang nila ang bantayan nila, inaalala din nila ang buong grupo. Ganito…
Totoong Kaibigan
Noong nasa high shool ako, mayroon akong kaibigan na para bang paminsan-minsan ko lang na kaibigan. Palagi naman kaming magkasama sa simbahan at sa ibang lugar. Pero pagdating sa loob ng eskuwelahan, parang hindi na niya ako kakilala at binabati niya lang ako kapag wala siyang kasama. Dahil doon, hindi ko na siya masyadong hinahanap kapag nasa eskuwelahan kami.
Marahil, marami…
Pag-ibig at Pagpapala
Noong 2015, ibinigay ng isang babae sa junk shop ang computer ng namatay niyang asawa na gawa pa noong 1976. Pero hindi nakadepende ang halaga nito sa kung anong taon iyon ginawa, kundi sa kung sino ang gumawa ng computer. Napag-alaman na isa pala ito sa mga unang ginawa ng may-ari ng kompanyang Apple na si Steve Jobs kaya nagkahalaga…
Dios ang Bahala
Naging masaya ang karanasan ng mag-asawang Nate at Sherilyn sa isang kainan na omakase sa New York. Ang omakase ay salitang Hapon na ang ibig sabihin ay “Ikaw na ang bahala.” Sa kainang iyon, hinahayaan ng mga customer na ang tagapagluto ang bahalang pumili ng kakainin nila. Kahit ngayon pa lang masusubukan ng mag-asawa ang pagkaing inihanda para sa kanila ng…
Apoy sa Paraiso
Tahimik ang lahat habang pinapanood nila ang pagdaloy ng lava at pagsira nito sa mga nadadaanang mga puno at halaman. Magkahalong pagkagulat at pagkamangha ang nasa mukha ng mga tao. Tinatawag nilang paraiso ang lugar na ito sa Puna, Hawaii pero ipinaalala sa kanila ng mga nagbabagang lava na nilusaw ng Dios ang islang ito sa pamamagitan ng pagputok ng bulkan.…
Panalangin
“Walang kamatayan ang panalangin.” Ito ang agaw-pansin na mga salita ng manunulat na si E.M. Bounds. Dagdag pa niya, “Magsara man ang bibig ng nagsabi nito, tumigil man sa pagtibok ang pusong pinanggalingan nito, mananatili pa ring buhay ang panalangin sa harap ng Dios. Lumipas man ang ilang buhay, henerasyon o ang mundo, nananatili pa rin ang panalangin.”
Naitanong mo…
Ang Saya!
Matagal niyang pinaghandaan ang kompetisyon na ito pero ayaw na niyang tumuloy dahil natatakot siyang baka hindi niya magawa nang tama. Gayunpaman, pinili niya pa ring simulan ang pakikipagkarera hanggang sa paisa-isa nang nakakaabot sa finish line ang mga kasama niya maliban sa kanya. Inaasahan na ng kanyang ina na sasalubungin niya ang kanyang anak na malungkot. Pero sa halip, nang…
Buong Pagmamahal
May madalas sabihin ang aking tatlong taong gulang na pamangkin na si Jena na nakakapagpalambot sa puso ko. Kapag may gustong gusto siya kahit mga simpleng bagay lang, sasabihin niya, “Minamahal ko ito ng buong-buo!”
Minsan napapaisip din ako kung kailan ba ako huling nag-mahal nang buong-buo, ‘yong walang itinatago at kinatatakutan.
Sinasabi naman sa sulat ni Apostol Juan, “Ang Dios…
Huwag Susuko
Umiiyak na tumawag sa akin ang kaibigan ko nang malaman niya na mayroon siyang sakit na kanser. Lubos siyang nag-alala kung ano na ang mangyayari sa kanyang asawa at maliliit pang mga anak. Idinalangin namin siya ng iba pa naming mga kaibigan. Natuwa kami nang palakasin ng doktor ang kanyang loob. Sinabi nito sa kanya na huwag siyang mawalan ng pag-asa…