Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Maling Impormasyon

Nagpunta kami noon ng aking asawa sa New York. Isang gabi, nagpasya kami na magpunta sa isang kainan kahit maginaw. Humanap kami ng taxi sa pamamagitan ng isang app sa cellphone. Nagulat ako nang napakamahal ng pamasahe samantalang 3 milya lang naman ang layo ng kainan mula sa hotel na tinutuluyan namin. Ilang sandali pa, napagtanto ko na nagkamali pala ako ng…

Tara, Merienda Muna!

Fika ang pangalan ng kapihan sa aming lugar na malapit din sa aking bahay. Isa itong wikang Swedish na ang ibig sabihin ay tumigil sandali para uminom ng kape at kumain ng tinapay kasama ang iba. Ipinapaalala sa akin ng salitang Fika ang isa sa mga gustong-gusto ko tungkol kay Jesus. Ito ay ang paglalaan ni Jesus ng panahon para tumigil sandali…

Kamangha-manghang Likha

Madalas akong abala dahil sa napakarami kong mga dapat gawin sa bawat araw. Lagi rin akong natataranta dahil sa kabi-kabilang appointments na dapat kong daluhan. Dahil doon, laging pagod ang isip ko. Pero isang araw, naisipan kong umupo sa duyan namin. Naiwan ko noon ang cellphone ko sa loob ng bahay kung saan naroon din ang asawa at mga anak ko.…

Ang Kuwento ng Dios

Tinanong si Ernest Hemingway kung maaari siyang sumulat ng isang kuwento gamit lang ang iilang salita. Ito ang isinulat niya, “Ipinagbibili: Pambatang sapatos na hindi pa naisusuot.” Napakaganda ng naisulat niya dahil napaisip kami kung ano talaga ang nangyari sa kuwento. Hindi lang ba kailangan ng bata ang sapatos kaya hindi niya iyon naisuot? O kaya nama’y namatay ang bata sa…

Hawak Niya Tayo

Minsan, may maliit na batang babae ang sinusubukang bumaba sa hagdan ng kanilang simbahan. Kahit wala pang dalawang taon ang bata, makikitaan na ito ng lakas ng loob at determinasyon. Nais niyang makababa hanggang sa dulo ng hagdan at nagawa niya iyon. Malaking bagay para sa bata na naroon ang kanyang ina. Hindi siya natakot dahil alam niya na nakahanda ang…

Magsakripisyo at Maglingkod

Maganda ang trabaho ng aking tiya kung saan nagagawa niyang magparoo’t parito sa Chicago at New York. Pero isang araw, iniwan niya ang trabaho niyang iyon para maalagaan ang kanyang mga magulang na nasa Minnesota. Siya na lang ang inaasahan nila dahil namatay nang maaga ang dalawa niyang kapatid. Para sa tiya ko, naisasapamuhay niya ang kanyang pananampalataya sa pamamagitan ng…

Sumulat

Mahilig tumakbo, sumayaw, kumanta at maglaro si Ruby tulad ng ibang apat na taong gulang na bata. Pero madalas sumakit ang kanyang mga tuhod kaya agad siyang ipinasuri ng kanyang mga magulang. Nagulat sila sa resulta ni Ruby. Mayroon siyang kanser at malala na ito. Dahil doon, kaagad siyang dinala sa ospital.

Tumagal ang kanyang gamutan na umabot ng hanggang Pasko.…

Isantabi at Magpatuloy

Naalala ko ang payong ibinigay sa akin ng kaibigan kong tagapagbalita sa radyo. Sinabi niya, “Matuto ka sa mga punang sinasabi sa iyo at tanggapin mo ang mga papuri nila. Pero pagkatapos, isantabi mo ang mga ito at magpakumbabang magpatuloy sa tulong ng kapangyarihan at kagandahang-loob ng Dios.” Natutunan ito ng aking kaibigan noong nagsisimula siya sa kanyang trabaho. Hindi niya…

Tumatatag sa Pananalangin

Marami ang nagbago sa buhay ng aking kaibigang si David nang magkaroon ng sakit na Alzheimer’s ang kanyang asawa.

Minsan, sinabi sa akin ni David na nagagalit siya sa Dios. Pero sa tuwing nananalangin daw siya, ipinapakita naman ng Dios ang kanyang pagiging makasarili at mga pagkukulang sa asawa niya. Umiiyak niyang ikinuwento sa akin na sampung taon nang may sakit ang…

Magbigay ng Lakas ng Loob

Lumalakas ang aking loob sa tuwing nagpupunta ako sa gym. Napapalibutan kasi ako sa lugar na iyon ng mga taong nagsusumikap din na lumakas at maging malusog ang kanilang katawan. May karatula din doon na nagpapaalala na huwag tayong manghusga ng kapwa. Sa halip, magbigay tayo ng mga salitang nakakapagpapalakas ng loob sa ating kapwa. Gayundin ang pagpapakita natin ng ating…