Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Simpleng Tao

Isang sakiting bata noon si William Carey na mula sa isang simpleng pamilya na naninirahan sa Northampton, England. Dahil dito, tila hindi magiging maganda ang kanyang kinabukasan. Ngunit may plano para sa kanya ang Dios. Sa kabila ng mga balakid, nagpunta siya sa India upang ipahayag ang Salita ng Dios. Nagkaroon ng mga pagbabago sa bansang iyon dahil sa kanya at…

Higit na Dakila

Kinilala bilang pinakamagaling na namuno sa emperyong Roma si Caesar Augustus. Dahil ito sa kanyang husay sa pamamahala at sa lakas ng kanyang hukbo. Natalo niya ang kanyang mga kalaban at napalawak pa niya ang kanyang nasasakupan. Hinango rin niya ang bansang Roma mula sa hirap at ginawang siyudad ng mga marmol. Pinarangalan siya ng mga Romano bilang kanilang dakilang ama…

Maayos at Mabago

Noong 1970s, pumunta sa bansang UK ang mga tubong Nigeria na sina Tani at Modupe para mag-aral. Hindi nila akalain na gagamitin sila ng Dios para mapagbago at mapag-isa ang isang komunidad sa Anfield, Liverpool. Dahil sa kanilang katapatan sa Dios at taospusong paglilingkod sa komunidad na iyon, maraming buhay ang nabago at nagkaroon ng pag-asa.

Tulad nina Tani at…

Lumakad sa Liwanag

Dumilim ang buong paligid nang maglaho ang buwan. Sinundan ito ng kulog, kidlat at malakas na buhos ng ulan. Kaya naman bilang bata ay natakot ako at kung anu-ano ang naisip ko. Pagkagising ko naman kinabukasan, maliwanag na at napakapayapa na ng paligid. Napakalaki ng pagkakaiba nito sa naranasan ko noong gabi.

May ganito ring karanasan ang mga Israelita noon sa…

Nagtatago

May nagawang mali ang pamingkin ko. Pero nakikita ko namang alam niyang mali iyon at hindi niya dapat ginawa. Kaya naman naupo ako upang makapagusap kami. Nakapikit naman siyang humarap sa akin. Siguro sa isip niya, kapag ginawa niya iyon ay hindi ko na rin siya makikita. Na makapagtatago na siya, at hindi na kami mag-uusap at hindi na rin siya…

Humingi ng Tulong

Gusto ko ang katangian ng tatay ko na mahusay sa direksiyon. Kahit saan man siyang lugar, alam niya kung saan ang hilaga, timog, kanluran at silangan. Para bang ipinanganak na ang tatay ko ng ganoon at palagi naman siyang tumatama. Hanggang sa gabing nagkamali siya.

Nang gabing iyon, naligaw sila ng nanay ko. Dumalo kasi sila sa isang okasyon sa hindi…

Bagong Pagkakataon

Nais ko talagang matutong tumugtog ng cello. Kaya lang, hindi ako magkaroon ng pagkakataon para makapagaral nito. Pero ang totoo, hindi ko lang talaga ito binibigyan ng panahon. Pero ang totoo, hindi ko lang talaga ito binibigyan ng panahon. Naisip ko pa nga na baka sa langit ko na lang ito aaralin. Kasi sa ngayon, ang gamitin ang ibinigay na kakayahan…

Ang Mensahero

“May mensahe para sa’yo.” Ito ang sinabi sa akin ng babae sa isang pagtitipon habang inaabot ang isang piraso ng papel. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o magiging masaya. Nakahinga lang ako nang maluwag pagkatapos ko itong mabasa, “May pamangkin ka na!”

Maaaring makatanggap tayo ng maganda o masamang mensahe. Sa Lumang Tipan, ipinapaabot ng Dios ang Kanyang mensahe…

Bago ang Lahat

Madalas akong magpunta sa junkyard o sa tambakan ng mga luma at mga sirang sasakyan. Maaaring magdulot ng kalungkutan ang lugar na iyon dahil ang mga sasakyang pag-aari noon ng iba ay lumang luma na at nakatambak na lang. Sa paglalakad ko sa lugar na iyon, may mga napapansin akong ilang mga sasakyan. Saansaan kaya nakarating ang mga sasakyang iyon noong…

Iba ang Sagot

Noong 18 taong gulang ako, kinailangan kong pumasok sa military tulad ng lahat ng mga kabataang lalaki dito sa Singapore. Nanalangin ako na madali lang na tungkulin ang mapunta sa akin dahil hindi naman ako kasing-lakas ng iba. Pero isang gabi, nabasa ko ang 2 Corinto 12:9, “Sapat na sa iyo ang Aking biyaya…” Sa pamamagitan ng talatang iyon, lumakas ang aking…