Tuklasin
Isa sa mga paborito kong karakter na nilikha ni Charles Schulz ay makikita sa kanyang libro tungkol sa mga kabataan sa simbahan. Ito ay ang kabataang lalaki na may hawak na Biblia habang kausap sa telepono ang kanyang kaibigan. Sinabi nito sa kaibigan, “Sa tingin ko’y nagawa ko na ang isa sa mga unang hakbang sa pagtuklas ng misteryo ng Lumang…
Katapatan ng Dios
Noong hindi pa kami nagtitiwala kay Jesus, binalak naming mag-asawa na maghiwalay. Pero noong magtiwala na kami kay Jesus, sinikap naming panumbalikin ang pagtingin namin sa isa’t isa. Humingi kami ng tulong sa Banal na Espiritu para baguhin kami. Tinuruan kami ng Dios na mahalin at pagtiwalaan Siya maging ang isa’t isa anuman ang mangyari.
Pero kahit malapit na ang ika-25…
Tulad sa Puno
Pagkalipat ng mga kaibigan ko sa kanilang bagong bahay, nagtanim sila ng wisteria. Isa itong uri ng halaman na namumulaklak. Pagkalipas ng maraming taong pag-aalaga sa halaman, namatay ito. Nakasipsip kasi ang mga ugat nito ng kemikal. Pagkaraan ng isang taon, nagulat sila nang may umusbong sa lupa kung saan inakala nilang namatay ang halaman.
Mababasa naman sa Biblia na inihahalintulad…
Pangangalaga ng Dios
Natatanaw ko mula sa bintana ng aming opisina ang mga squirrel isang uri ng hayop na parang daga. Bilang paghahanda sa panahon ng taglamig, nagmamadali ang mga squirrel sa pag-iipon ng kanilang pagkain at sa paghahanap ng kanilang mapagtataguan. Nalilibang ako sa nagagawa nilang tunog. Kung dadaan ang isang squirrel at grupo ng mga usa sa aming bakuran, mas malakas pa…
Regalo ng Dios
Magkasunod ang kaarawan namin ng aking ina. Noong wala pa akong sariling pera, pinag-iisipan kong mabuti ang ireregalo ko sa kanya na kahit mura lang ay masisiyahan pa rin siya. Nagugustuhan naman niya ang mga regalo ko sa kanya. Lagi namang higit na maganda at mamahalin ang mga regalo niya sa akin. Hindi naman niya intensyong daigin ang regalo ko, nagkataon…
Pagkauhaw
Ang ‘Desert Pete’ ay isang lumang kanta tungkol sa isang lalaking uhaw na uhaw habang naglalakad sa disyerto. Nakakita siya ng poso at sa tabi nito’y may lalagyan ng tubig na may kaunting laman. May papel din doon kung saan nakasulat na huwag inumin ang tubig kundi gamitin sa tuyong poso para gumana ito. Pinigilan tuloy ng lalaki ang kanyang sarili…
Si Jesus Mismo
Inalagaan ng kaibigan ko ang kanyang biyenan. Minsan, tinanong niya ang kanyang biyenan kung ano talaga ang makapagpapasaya sa kanya. Sumagot naman ang kanyang biyenan, “Gusto ko sanang hinuhugasan ang aking mga paa.” Hindi talaga gusto ng kaibigan ko na gawin ang bagay na iyon. Sa tuwing nagpapahugas ng paa ang kanyang biyenan, naiinis siya. Humihingi pa siya ng tulong sa…
Away-magkapatid
Noong mga bata pa kami ng kapatid kong lalaki, madalas kaming mag-away.
Nababagay ang kuwento namin sa Aklat ng Genesis. Makikita kasi rito ang mga kuwento ng magkakapatid na nagkaroon ng 'di pagkakaunawaan tulad nina Cain at Abel (GEN. 4); nina Isaac at Ismael (GEN. 21:8-10); at ni Jose at ng mga kapatid niya (GEN. 37). At kung away-magkapatid ang pag-uusapan,…
Mahalin ang bawat Isa
Hinahangaan ko ang isang grupo ng mga nagtitiwala kay Jesus. Nagsimula ang kanilang pagtitipon bilang gawain na tumutulong sa mga dating bilanggo. Sa kasalukuyan, iba’t ibang klase ng tao ang dumadalo sa kanilang pagtitipon. Natutuwa talaga ako sa grupong ito dahil naaalala ko sa kanila kung ano sa tingin ko ang makikita ko sa langit. Na ito ay puno ng iba’t…
Kanlungan
Plano namin ng anak ko na pumunta sa isang pagtitipon ng mga kamag-anak namin. Medyo malayo ang lugar kung saan idadaos ang pagtitipong iyon. Dahil doon, kinabahan ang anak ko kung siya ang magmamaneho kaya nagprisinta ako na ako nalang. Tinanong niya ako kung kaya ko bang imaneho ang sasakyan niya. Mas panatag kasi ang pakiramdam niya sa kanyang sasakyan. Itinuturing…