Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Mga Kaganapan

This is under construction.

Pumunta Ka

Nang ipagdiwang naming mag-asawa ang anibersaryo ng aming kasal, namasyal kami. Nanghiram ang asawa ko ng bisikleta kung saan dalawang tao ang puwedeng sumakay at pumidal. Nasa unahan ng bisekleta ang asawa ko at ako naman ang nasa likuran. Nang magsimula na kaming pumidal, napansin ko na natatakpan ng malaking katawan ng asawa ko ang daan, kaya hindi ko masyadong makita…

Bumabago ng Buhay

Simula nang mailathala noong 1880 ang isinulat ni Lew Wallace, patuloy ang paglilimbag nito hanggang ngayon. Pinamagatang Benhur: A Tale of the Christ ang nobelang isinulat niya. Tungkol ang librong iyon sa buhay ng Panginoong Jesus. Paborito itong basahin noon ng mga nagtitiwala kay Jesus at sikat pa rin hanggang ngayon.

Sinabi naman ng isang manunulat na si Amy Lifson, “Naging…

Mamangha sa Kanyang Nilikha

Pinagmamasdan naming mag-asawa ang ganda ng paglubog ng araw habang nasa tabing dagat. Marami ring mga tao doon na kumukuha ng litrato. Nasisiyahan naman ang iba na pagmasdan ang ganda ng tanawin. Nang malapit ng lumubog ang araw, namangha ang marami at nagpalakpakan pa ang iba.

Bakit kaya ganoon na lang ang reaksyon ng mga tao? May ipinahiwatig ang Aklat ng…

Sa piling ni Jesus

Walang ibang lugar ang maihahalintulad sa sarili nating tahanan.” Ipinapakita ng pangungusap na ito ang hinahangad nating lugar na kung saan makakapagpahinga tayo nang maayos na kapiling ang mga mahal natin sa buhay. Ang ganitong paghahangad ng lugar na matatawag nating tahanan ay ninanais din ni Jesus para sa Kanyang mga alagad. Binanggit naman ni Jesus sa Kanyang mga alagad noong…

Magpatawad

Minsan, may hindi magandang ginawa ang kaibigan ko sa akin. Alam ko na kahit ganoon ang ginawa niya ay kailangan ko siyang patawarin. Pero parang ang hirap niyang patawarin. Nasaktan ako sa ginawa niya at nagalit. Nag-usap naman kami at sinabi kong napatawad ko na siya. Pero sa tuwing makikita ko siya, bumabalik muli ang sakit. Alam ko na hindi ko…

Matalik na Kaibigan

Noong 12 taong gulang ako, lumipat ang aming pamilya sa lugar na malapit sa disyerto. Kaya doon na rin ako nagaral. Mainit ang panahon doon kaya pagkatapos ng aming klase agad akong pumunta sa inuman ng tubig. Dahil payatot ako noon, may pagkakataon na tinutulak at inuunahan ako sa pila para makainom. Minsan, nakita ng kaibigan kong si Jose ang pang-aapi…

Napakabango

Minsan, nagkuwento ang sikat na manunulat na si Rita Snowden tungkol sa pagbisita niya sa isang maliit na bayan. Habang nasa isang kainan daw siya, nabaling ang kanyang atensyon sa naamoy niyang mabango. Kaya, tinanong niya ang empleyado ng kainan kung saan iyon nagmumula. Sinabi naman nito na mula iyon sa mga empleyado ng pagawaan ng pabango. Dumikit na kasi sa…

Ang aking Pastol

Nang magpanibagong antas na ang aking anak sa eskuwelahan, iba na rin ang magiging guro niya. Nalungkot ang anak ko. Gusto niya pa rin kasing makasama ang dati niyang guro. Ipinaunawa naman namin sa kanya na pangkaraniwan lang ang pagpapalit ng guro. Napaisip tuloy ako sa pangyayaring iyon. Mayroon bang pagsasama na panghabang-buhay?

Para kay Jacob na binanggit sa Lumang Tipan…

Kalye ng Taong Banal

Minsan, naglakad-lakad kami ng asawa ko sa isang kalye sa London. May nagkuwento sa amin na ang kalyeng iyon ay tinatawag na "Kalye ng Taong Banal." Nakatira raw kasi doon ang isang tao na namumuhay nang may kabanalan. Naalala ko tuloy ang isang pangyayari na binanggit sa Lumang Tipan ng Biblia.

Inutusan noon si Saul na isang Israelita na hanapin…