Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Saan Ka Man Naroroon

May nakita akong maliit at kulay ubeng bulaklak na nag-iisa sa damuhan. Sigurado akong wala pang nakakakita ng ganoong bulaklak at marahil hindi na iyon makikita pang muli. Naisip ko tuloy kung bakit doon pa iyon tumubo.

Kailanma’y hindi nasasayang ang ganda ng kalikasan. Araw-araw nitong ipinapakita ang kabutihan, kagandahan at ang katotohanan tungkol sa Dios na siyang lumikha nito. Araw-araw…

Kahit anong mangyari

Sa aming lugar, marami na ang nagrereklamo sa patuloy na pagkawala ng kuryente. Minsan, tatlong beses sa loob ng isang linggo ito nangyayari at tumatagal ng 24 oras. Madilim ang buong lugar at mahirap para sa amin ang kumilos sa loob ng bahay.

Sa tuwing nawawalan ng kuryente, madalas itanong sa akin ng kapitbahay kong nagtitiwala rin sa Panginoong Jesus, “Maipagpa-…

Kita Kita

Minsan, nabalisa at nabagabag ako sa aking mga pinoproblema. Pero pumayapa ang loob ko sa sinabi ng aking kaibigan na kapwa ko manunulat. Sinabi niya sa akin, “Kita kitá”. Nais niyang iparating sa simpleng salitang iyon na nagmamalasakit siya sa akin at nakikita niya ang mga pinagdaraanan ko.

Ang pagpapalakas ng loob na iyon ng kaibigan ko ang nagpaalala sa akin…

Anong Meron?

Masayang-masaya ang apat na taong gulang na si Asher habang suot niya ang paborito niyang damit. Hugis ulo ng buwaya ang talukbong ng damit na iyon. Kung kaya’t para bang kinain ng buwaya ang ulo niya. Nagulat ang nanay niya sa kanyang suot. Nais sana ng nanay niya na maging maganda ang tingin sa kanila ng bibisitahin nilang pamilya. Kaya, sinabi…

Nagmamalasakit

Mag-isang pupunta ang bunso kong babae sa Barcelona mula Germany. Kaya, sinubaybayan ko ang biyahe niya sa pamamagitan ng pagtingin sa internet. Nakikita ko kung nasaan na ang sinasakyan niyang eroplano. Dumaan ito sa bansang Austria at sa hilagang bahagi ng Italy. Tatawid din ito sa karagatan at ipinapaalam din ng internet na eksakto sa oras ang dating nila sa Barcelona.…

Ang Krus

Ang The Dream of the Rood ay isa sa mga tulang sinasambit noon ng mga nagtitiwala kay Jesus. Ang salitang ‘rood’ ay sinaunang salita sa wikang Ingles na nangangahulugang poste at tumutukoy sa krus kung saan ipinako si Jesus. Binibigyangdiin sa tulang ito ang krus. Ayon sa tula, nang malaman daw ng puno na gagawin siyang krus kung saan ipapako ang…

Muling Ibalik

Nang bumalik si Edward Klee sa Berlin, Germany pagkalipas ng maraming taon, malaki na ang pinagbago ng lungsod na kinalakihan niya. Maging siya raw mismo ay malaki na ang pinagbago. Sinabi ni Edward, “Kung babalik ka sa isang lugar na mahalaga sa iyo, maaaring hindi mo alam kung ano ang aasahan mo. Pero malamang malulungkot ka.” May mga pagbabagong nangyayari sa…

Walang Hanggan

Noong 2015, namatay si Jeralean Talley sa edad na 116 taon. Siya ang naitala noon na pinakamatandang tao na nabubuhay sa mundo. Noong 1995 naman ipinagdiwang ng mga taga Jerusalem ang 3,000 taon ng pagkakatatag ng kanilang bansa. Pero kung sa tagal lang ng taon ang pag-uusapan, may isang puno na matatagpuan sa California na higit 4,800 taon nang nabubuhay. Mas…

Mahal tayo ng Dios

Minamahal ng Dios ang lahat ng nagtitiwala sa Kanya nang higit sa ginagawa nilang paglilingkod.

Marami sa atin ang nagnanais na mapaglingkuran ang Dios. Totoo na gusto ng Dios na magtrabaho tayo para sa ating pamilya. Nais Niya na pamahalaan natin ang Kanyang mga nilikha. Inaasahan din ng Dios na paglingkuran natin ang ating kapwa. Sila ang mga taong mahihina, nagu-gutom,…

Hindi Napapansin

May mga kuwento sa Biblia na minsan ay napapaisip tayo. Halimbawa nito ang nangyari noong naglalakbay ang mga Israelita sa pamumuno ni Moises. Pumunta sila sa lugar na ipinangako ng Dios sa kanila. Sinugod sila ng kanilang mga kaaway at umakyat naman si Moises sa isang burol at itinaas niya ang kanyang tungkod (EXODO 17:8-15). Sino ang mag-iisip na makakatulong ang…