Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

HINDI SIYA NAGBABAGO

Makikita sa isang larawan ang isang bakas ng paa. Bakas ito ng paa ng astronaut na si Buzz Aldrin nang maglakad siya sa buwan noong 1969. Ayon sa mga siyentipiko, naroon pa rin sa buwan ang bakas ng paa ni Aldrin kahit lumipas na ang maraming taon. Dahil walang hangin o tubig doon, nananatili at hindi nagbabago ang bakas ng paa…

MAHALIN ANG KAPWA

Natuwa at natuto kami sa isang palaro sa isang pagtitipon sa aming simbahan. Lahat kami ay nakaupo na ng pabilog. May isang taong nakatayo sa loob ng bilog. Bibigkasin niya, “Mahal mo ba ang kapwa mo?” Maaaring sumagot ang katabi niya ng oo o hindi. Kapag hindi ang sagot, maaaring palitan ang katabi.

Minsan naiisip ko kung maaari lang sanang…

MATIBAY NA KONEKSYON

Madalas makaranas ng bagyo ang aming lugar. Dahil sa lakas ng ulan, nawalan ng kuryente ang tahanan namin. Kahit alam kong walang kuryente, sinubukan ko pa ring buksan ang ilaw sa kuwarto. Walang liwanag. Nababalot ng dilim ang paligid.

Nang binuksan ko ang ilaw, inasahan kong magkakaroon ng liwanag kahit walang kuryente. Tulad nito ang isang katotohanan sa Biblia. Inaasahan…

KANLUNGAN

Naging tirahan at kanlungan na ng iba’t ibang uri ng hayop ang Rocky Mountain Arsenal National Wildlife Refuge. Nagsimula ito bilang lugar kung saan nakatira ang mga baka. Hanggang nadiskubre na may mga agila ring matatagpuan doon. Ngayon, isang ligtas na kanlungan ito ng higit sa tatlong daang species ng iba’t ibang klase ng hayop.

Sa Biblia rin naman, binanggit…

HULING HABILIN

Isang tagapagturo ng Biblia si John M. Perkins. Tagapagtaguyod din siya ng pantay na karapatan sa lahat ng tao. Nang malapit na siyang pumanaw, nagbigay siya ng kanyang huling habilin sa mga taong maiiwan niya. Sinabi niya, “Ang tanging paraan upang makalapit tayo sa Dios ay ang magsisi tayo sa ating mga kasalanan. Mapapahamak tayo kung hindi tayo magsisisi sa…

HINDI INAASAHAN

Nang bumisita ako sa Los Angeles, California, natatanaw mula sa bintana ng hotel na aking tinutuluyan ang malalaking letra na “Hollywood” na palaging nakikita sa mga pelikula. Napansin ko rin sa bandang ibaba niyon ang isang malaking krus. Hindi ko inaasahang may makikita akong krus doon dahil hindi ko naman ito nakikita sa mga pelikula. Naisip kong kumikilos din ang Dios…

TUWING MALUNGKOT KA

Mag-isang kumakain ng hapunan si Hui-Liang. Kapitbahay niya ang pamilya Chua, at masaya silang naghahapunan nang sama-sama. Dinig na dinig mula sa bahay ni Hui-Liang ang tawanan at masayang kuwentuhan ng pamilya Chua. Nang pumanaw kasi ang asawa ni Hui-Liang, palagi na siyang malungkot at mag-isa. Sa paglipas ng panahon, lalong naging malungkot na alaala kay Hui-Liang ang pagpanaw ng…

MAHALIN ANG KAAWAY

Araw-araw tinitiis ni Dan ang pambubugbog sa kanya ng guwardiya sa bilangguan. Bilang nagtitiwala kay Cristo, naisip ni Dan na kailangan niyang pakitaan ng pag-ibig ang guwardiyang ito. Kaya minsan, bago siya bugbugin ng guwardiya, sinabi niya, “Sir, araw-araw ko po kayong makikita sa pananatili ko rito sa bilangguan. Maaari ba tayong maging magkaibigan?” Pero ang sagot ng guwardiya, “Hindi…

NAIS NG PUSO

Noong 1700, may ilang taong naghukay sa Oak Island sa bansang Canada. Inakala kasi nilang may kayamanang nakatago roon. Pero wala naman silang nakita. Sa paglipas ng panahon, maraming tao rin ang naghukay roon sa pag-asang makakakita sila ng kayamanan. Sa ngayon, nasa halos tatlumpung metro na ang lalim ng nahukay sa lugar na iyon.

Ipinapakita ng kuwentong ito ang…

MULA SA PAKIKINIG

Nang maaksidente si Pastor Bob, naapektuhan ang kanyang boses at nahirapan na siyang magsalita. Labinlimang taon siyang nakaramdam ng matinding kalungkutan. Nagtanong siya sa Dios kung bakit siya dumanas ng ganito. Ano nga ba ang magagawa ng isang pastor na hindi makapagsalita? Pero naisip niya, “Isang bagay lamang ang magagawa ko–ang magbasa ng Salita ng Dios.” Lalong lumalim ang pag-ibig…