Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Panahong Madilim, Dasal Malalim

“Nakaranas ako ng madilim na panahon,” sabi ng sikat na artistang babae tungkol sa pandemya ng COVID-19. Nahirapan siya sa bagong normal at inamin niyang sumagi sa isip niya ang magpakamatay. Para malampasan ito, binahagi niya ang pinagdadaanan sa kaibigang nagmamalasakit.

Lahat tayo puwedeng makaranas ng madilim na panahon, mahaba man o maiksi. Minsan hindi ito madaling malagpasan at kailangan ang…

Ang Mensahe Ng Krus

Sabi ni Zhang, lumaki siyang “walang Dios, walang relihiyon, wala.” Noong 1989, dahil nais nila ng demokrasya at kalayaan sa bansa, tumulong siyang pamunuan ang mga mag-aaral para sa mapayapang protesta. Pero pagsupil ang naging tugon ng pamahalaan at maraming nasawi. Si Zhang ikinulong. Nang makalabas, nagtungo siya sa isang malayong nayon at doon nakilala niya ang matandang magsasakang nagpakilala…

Marahas Na Hakbang

Taon na sa dingding ng bahay namin sa Michigan ang palamuting busog at talanga na lagayan ng palaso. Nakuha ito ng tatay ko noong naglilingkod bilang misyonero sa Ghana. Minana ko ito sa kanya. Minsan bumisita ang kaibigang kong taga Ghana at nagulat siya sa nakitang maliit na nakatali sa busog. “Anting-anting iyan. Alam ko walang bisa pero ‘di ko…

Nagtagpo Ang Kulang at Sagana

Dahil hindi masiguro gaano karami ang kailangan, madalas maghanda ng sobrang pagkain ang kantina sa paaralan at tinatapon na lang nila ang matitirang pagkain. Pero maraming mag-aaral ang walang sapat na pagkain sa bahay. Para malutas ang problema, nakipagtulungan ang isang distrito ng paaralan sa Amerika sa isang organisasyong tumutulong sa mga maralita. Ibinalot nila ang sobrang pagkain at ipinauwi…

Lumalaban Ang Dios Para Sa’tin

Pinatunayan ng isang ina sa Colorado sa Amerika na gagawin niya ang lahat para proteksyunan ang anak. Naglalaro sa labas ng bahay ang anak na limang taong gulang nang bigla itong sumigaw. Agad lumabas ang ina at nakita ang nakakatakot na tagpo: may leong-bundok na nakadagan sa anak niya, at nasa bibig nito ang ulo ng bata. Lakas loob na…

Mapagkakatiwalaang Pag-ibig

“Bakit hindi ko mapigilang isipin iyon? Parang pinagbuhul- buhol na lungkot, sala, galit, at kalituhan ang naramdaman ko." Ilang taon na ang nakalipas noong nagdesisyon akong makipaghiwalay sa isang taong malapit sa akin matapos nitong itanggi at ipagwalang-bahala ang mga asal niyang nakakasakit sa akin. Ngayon bumalik ang utak ko sa alaala ng nakaraan nang narinig kong narito siya at bumibisita…

May Tatay Na

Binata si Guy Bryant. Nagtatrabaho siya sa departamento ng kapakanan ng bata ng lungsod ng New York sa Amerika. Araw-araw kinakaharap niya ang matinding pangangailangan para sa foster parent na kukupkop at mangangalaga ng mga bata. Nagdesisyon siyang tugunan ito at sa loob ng mahigit na isang dekada, nangalaga siya ng higit limangpung bata – minsan pa nga siyam sabay sabay.…

Kamusta Ka?

Malapit nang pumanaw si Charla at alam niya ito. Habang nasa ospital, pumasok ang doktor niya at ilang nakababatang doktor. Ilang minuto siyang hindi pinansin ng doktor habang pinapaliwanag sa mga ito ang sakit niyang wala nang lunas. Sa wakas hinarap siya ng doktor at sinabi, “Kamusta ka?” Ngumiti si Charla at ibinahagi ang pag-asa at kapayapaan niya kay Jesus.…

Sa Dios Nakatanim

Sa unang linya ng tulang 'May' nailarawan ng makatang si Sara Teasdale ang mga palumpong ng lila na tila kumakaway dahil sa malakas na hangin. Pero nananaghoy si Teasdale dahil sawi sa pag-ibig at naging malungkot na nga ang tula.

Dumanas din ng pagsubok ang mga lila na nasa likod bahay namin. Matapos ang isang panahon ng paglago, nakakalungkot na…

Bagong ‘DNA’ Kay Jesus

Sinuri muli ang dugo ni Chris apat na taon matapos ang transplant na nagligtas sa buhay niya. Gumaling na nga siya dahil sa natanggap na utak ng buto, pero may sorpresa rin itong dala – ‘DNA’ na ng tagapagbigay ang nasa dugo niya. Sabagay, layon naman talaga ng transplant na palitan ang mahinang dugo ni Chris ng malusog na dugo ng nagkaloob.…