UNAHING SAMBAHIN ANG DIOS
Hindi ko pinlanong magtayo ng non-profit organization (organisasyong nakatuon sa pagtulong). Kaya marami akong naging tanong nang marinig ko ang pagtawag ng Dios. Paano ito matutustusan? Sino ang tutulong sa akin sa pagbuo nito? Nakita ko ang mga sagot hindi sa isang aklat patungkol sa negosyo, kundi sa Biblia.
Magandang basahin ng sinumang tinatawag ng Dios para magtayo ng isang organisasyon…
MAHAHAYAG ANG LAHAT
Nanloob ang isang magnanakaw sa isang pagawaan ng cellphone. Tinakpan pa nga niya ng karton ang mukha niya para hindi siya makilala sa CCTV camera. Kaya lang, napatid ang magnanakaw at saglit na natanggal ang takip niya sa mukha. Nang makita ng may-ari ang kuha ng CCTV camera, tumawag agad siya sa pulis at nahuli ang magnanakaw. Totoong kahit itago…
KASAGANAANG MULA SA DIOS
Nang lumipat ako sa bansang England, hindi ko agad naisip na kilo nga pala ang gamit nila sa pagtitimbang at hindi libra (pound). Kaya naman nang umorder ako ng saging, tatlong kilo pala ang nabili ko at hindi tatlong libra. Imbes na walo, dalawampung saging ang natanggap ko. Dahil dito, naisip kong gumawa ng banana bread para ipamahagi sa iba. Habang…
SIYASATIN MO ANG PUSO KO
Isang supermarket sa Singapore ang nagsimulang magbenta ng mga prutas at gulay na may bahagyang tama sa mas murang halaga. Ginawa nila ito para mabawasan ang mga pagkaing itinatapon. Sa loob ng isang taon, 771,000 kilo ng mga ani ang napakinabangan imbes na nasayang. Natutunan din ng mga mamimili na hindi naaapektuhan ang lasa at sustansya ng prutas at gulay kahit…
KABILANG BA AKO?
Nang manalo ang aktres na si Sally Field ng ikalawa niyang parangal sa Oscars noong 1985, ito ang sinabi niya: “Matagal ko nang gustong makamit ang respeto ninyo. Hindi ko iyon naramdaman noong una akong manalo. Pero ngayon, damang dama ko nang gusto ninyo ako.”
Gayundin ang naramdaman ng eunuko na taga Etiopia. Karamihan sa mga eunuko (mga nagtatrabaho para…
PAGLILINGKOD KAY JESUS
Hindi makapaniwala si Elizabeth Fry nang makita niya ang kalagayan ng isang kulungan para sa mga kababaihan sa London. Siksikan sila at ang mga anak nila, kaya marami ang natutulog sa malamig na sahig nang walang kama o kumot. Pero may alak. Paulit-ulit na bumisita si Elizabeth sa kulungan para magdala ng mga damit, magbukas ng eskwelahan, at magturo ng…
PAGKALUBLOB
Dalawang lalaking nagtatrabaho sa pagawaan ng tsokolateng Mars ang nahulog sa isang tangke ng tsokolate. Marahil isang magandang biro ito para sa iba, lalo na sa mga mahihilig sa tsokolate. Pero seryoso ang nangyari. Bagama’t hindi sila nasaktan, hindi sila makalabas. Hanggang baywang kasi ang pagkakalublob nila. Sa huli, kinailangang butasan ang gilid ng tangke para mailabas sila nang ligtas.
Naranasan…
ANG ATING SANDATA
Isang bagong kaibigan ang nagbahagi kay Pastor Bailey ng mga karanasan niya. Naging biktima siya ng pang-aabuso at maagang nabantad sa pornograpiya. Kaya kahit nakakilala na ang binata kay Jesus, hindi siya makawala sa adiksyon. Alam niyang hindi niya ito kayang pagtagumpayan mag-isa, kaya lumapit siya kay Pastor Bailey at humingi ng tulong.
Bilang mga tagasunod ni Cristo, nakikipaglaban tayo…
PAKIKIPAGBUNO SA DIOS
Matapos pumanaw ang asawa kong si Alan, nakatanggap ako ng sulat. “Nakipagbuno si Alan tulad ni Jacob, at isa siyang dahilan bakit nananatili akong tagasunod ni Jesus.” Tama siya. Maraming naging mga tanong si Alan at nakipagbuno siya sa Dios para sa mga kasagutan. Mahal niya ang Dios, pero may mga pagkakataong hindi niya dama ang pagmamahal, kapatawaran, at pagtugon…
TUMAWAG KA SA IYONG AMA
Isang 92 taong gulang na babae ang nakatanggap ng tawag. Sabi niya sa kausap, “Oo, ayos naman ako. Napakinggan ko ang balita sa radyo... Sige, bisitahin mo ako kapag may oras ka...” Sino ang kausap niya? Ang anak niyang si Harry Truman, presidente ng Amerika. Tumawag ang presidente sa kanyang ina matapos niyang ianunsyong tapos na ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.…