Mahimbing Na Tulog
Sa mga gabing hindi kaagad nakakatulog ang kaibigan kong si Floss, inaalala niya ang kantang “My Jesus I Love Thee.” Dahil ayon sa kanya nakakatulong ang kanta na maalala niya ang mga pangako ng Dios. Gayundin ang iba pang dahilan kung bakit mahal niya ang Dios.
Napakahalaga ng tulog para sa atin, ngunit minsan talaga mailap ito sa atin. Kaya naman…
Matutong Magtiis
Minsan, nakasakay si Dan sa kanyang motorsiklo nang may isang kotseng sumagi sa kanya. Kaya naman, naaksidente siya. Makalipas ang dalawang linggo, nagising siya sa ospital. Nagkaroon ng pinsala sa kanyang spinal cord na naging sanhi para maging paralitiko siya. Nanalangin si Dan para sa kanyang paggaling, ngunit hindi ito nangyari.
Sa kabila nito, naniniwala pa rin siya na paraan lamang…
Kahanga-hangang Likha
Pinag-aaralan ni Tim ang mga glacier. Isang araw, habang naglalakad siya sa Root Glacier sa Alaska, may kakaiba siyang nakita. Napakaraming lumot na parang maliliit na bola. Hindi pamilyar sa kanya ang bagay na ito. Kaya naman, sinubaybayan niya ang matingkad na berdeng mga bola sa loob ng maraming taon. Natuklasan ni Tim at ng kanyang mga kasamahan na, hindi katulad…
Kamangha-manghang Pagtulong
Pinakamapinsala ang sunog na nangyaring sa kabundukan ng Colorado noong 2020. Tinupok ng apoy ang isandaang libong ektarya ng kagubatan. Gayundin, ang tatlong daang bahay, at nagdulot ito ng takot na baka umabot pa sa lungsod. Kaya, humanga ang sheriff sa libu-libo o marahil milyun-milyong panalangin na nais ipaabot ng mga tao sa Dios para humingi ng tulong. Sa gayon, maapula…
Pagmamahal Kahit Saan
Nasa bakasyon kami ng aking asawa. Nangingisda siya, habang nagbabasa naman ako ng Biblia. Nilapitan kami ng isang binata, sinulyapan niya at itinuro ang aking Biblia. Bumuntong-hininga siya bago nagsalita “Nakulong po ako. Sa tingin po ninyo mahal talaga ng Dios ang mga taong katulad ko?” Bilang sagot, binasa ko ang Mateo 25, dito binanggit ni Jesus ang tungkol sa…
Magpakumbaba
Nakagawian na ni Jan na ilagay sa likod niya ang kanyang mga kamay sa tuwing nais niyang pakinggan o tawagin ang pansin ng kanyang mga kausap. Sa tuwing ginagawa niya kasi ito nagiging madali para sa kanya ang pagtuturo o pakikinig sa kanyang kausap. Ipinapaalala ng ginagawa ni Jan na mahalin ang taong kanyang kausap at maging mapagpakumbaba.
Naunawaan naman…
Luhang Nagpapasalamat
Minsan, lumuluha habang humihingi ng tawad si Karen sa grupo ng kalalakihan mula sa kapulungan ng mga nagtitiwala kay Jesus. Balo na kasi si Karen at mag-isa niyang tinataguyod ang kanyang mga anak. Kaya naman, nang mag- alok ng tulong ang mga kalalakihan na ito para makapagpahinga siya, naiyak siya sa labis na pasasalamat. At humihingi siya ng pasensya dahil…
Hindi Pa Tinugon Na Dalangin
Malapit na po ba tayo? Malapit na ba? Wala pa ba? Paulit-ulit na tanong ng anak ko sa akin noong bumiyahe kami ng 16 oras papunta sa Arkansas mula sa Colorado sa bansang Amerika. Kung babayaran lang nila ako sa bawat pagsagot ko sa tanong nila, malamang marami na akong naipong pera.
Gayon pa man, bilang drayber nila ang lagi…
Perpekto Tulad Ni Cristo
Sinabi ng manunulat na si Kathleen Norris na ang pagnanais na maging perpekto ang lahat o perfectionism ang isa sa nakakatakot na salita sa mundo ngayon. Iba ito sa salitang perpekto na binanggit sa Aklat ni Mateo sa Biblia. Ang perfectionism kasi ngayon ay nag-uudyok sa mga tao na gumawa na walang anumang dulot na kawalan sa kanilang sarili. Pero ang binanggit…
Nagtitiwala Kami Sa Dios
Minsan, kinailangang dalhin ni Whitney sa ospital. Buntis siya at may nakitang problema sa kanyang atay. Dahil dito, kailangan niyang manganak ng mas maaga sa itinakdang oras. Pero, sa kakulangan ng magagamit sa ospital ng mga panahong iyon dahil sa Covid-19 at sa peligrong hatid nito, pinauwi siya ng bahay. Ipinagkatiwala ni Whitney sa Dios ang lahat at umasa siya sa…