Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Kahit Na

Lumaki sa isang tribu sa Pilipinas si Ester na hindi naniniwala kay Cristo. Pero nagtiwala siya kay Jesus sa tulong ng kanyang tiyahin. Sa ngayon, nangunguna si Ester sa pag-aaral ng Biblia sa kanilang komunidad sa kabila ng banta ng karahasan at kamatayan. Sinabi ni Ester, “Walang sinuman ang makapipigil sa akin sa pagpapahayag ng tungkol kay Jesus dahil naranasan…

Pinalalang Kalagayan

Naging kilala sa radyo si Fred Allen dahil sa kanyang pagpapatawa. Gamit ang pagpapatawa, napapangiti niya ang mga nahihirapan na sa buhay dahil sa pagkakaroon ng digmaan. Hinuhugot ni Fred ang kanyang pagpapatawa mula sa masakit niyang karanasan.

Maaga siyang nawalan ng ina at napalayo rin siya sa kanyang ama na nalulong sa iba’t ibang bisyo. Minsan, habang naglalakad si…

Matapang Na Saksi

Noong ikalawang Digmaang Pandaigdig, nakaligtas si Prem Pradhan (1924-1998) matapos pagbababarilin ang eroplano na sinasakyan niya. Muntikan na ring naputol ang kanyang paa dahil sa trahedya. Kahit pa nga habambuhay na siyang magiging lumpo, nasabi pa rin niya ang ganito: “Mayroon akong mahinang binti, Pero nakapagtataka na sinugo pa rin ako ng Dios na mangaral sa bundok ng Himalaya at…

Isang Sundalo

Isang mahiyaing batang babae si Diet Eman na nakatira sa Netherlands. Mayroon siyang maayos na pamumuhay bago dumating ang mga Aleman na sumakop sa kanilang bansa. Isinulat ni Diet ang ganito: “Kapag may banta ng panganib sa inyong pintuan, parang gusto mo na lang maging kagaya ng ostrich at ibaon ang iyong ulo sa buhangin”. Ngunit, hindi maatim ni Diet na…

Mapagpasalamat

Noong pinagbintangan ni Empress Messalina ang isang dalubhasa sa pilosopiya na si Seneca sa kasalanang pangngalunya at hinatulan ng kamatayan, ikinulong lamang siya sa Corsica. Kagagawan ito ni Emperor Claudius dahil hindi siya naniniwalang totoo ang bintang kay Seneca. Lubos ang pasasalamat ni Seneca kay Emperor Claudius, kaya isinulat niya ang ganito: “mas higit na masama sa mamamatay tao, traydor,…

Kalooban Ng Dios

Minsan, mahirap sundin ang kalooban ng Dios. Gusto Niya piliin natin ang tama sa lahat ng panahon. Gusto Niya matuto tayong magtiis ng hindi nagrereklamo, magmahal ng mga taong mahirap mahalin. Kaya naman, kailangan nating ipaalala sa sarili na sundin natin lagi’t lagi ang gusto ng Dios.

“Sa Dios lang ako may kapahingahan; ang kaligtasan ko’y nagmumula sa kanya” (Salmo…

Ibahagi Ang Pag-asa

Nasa murang edad pa lamang si Emma, parang nakabisado niya na agad ang buong Biblia. Kaya naman, humahanga kami sa kanya. Tinawag namin siya na ‘walking Bible’. Pero sinabi ni Emma na hindi naman talaga siya bumibigkas ng mga talata sa Biblia, kundi sinasabi lamang niya ang laman ng kanyang puso at isipan.

Iyon pala ang bunga ng araw-araw na…

Totoong Pagsamba

Sa wakas, narating na rin ni Annie Dillard ang Bethlehem’s Grotto of the Nativity na itinuturing na lugar kung saan ipinanganak si Jesus. Sa loob ng isang simbahan, naroon ang grotto na pinalilibutan ng mga kandila at lampara na nagbibigay liwanag dito. Makikita rin sa sahig nito ang larawan ng bituin na gawa sa pilak na siyang tanda ng napakahalagang pangyayari…

Minamahal Kita

Mahilig umakyat ng bundok si Cap Dashwood at tuwing umaakyat siya, lagi niyang kasama ang kanyang aso na si Chaela. Ang pangalang Chaela ay pinagsamang “Chae” na nagpapaalala sa namatay niyang aso, samantalang ang “la” ay pinaikling “Labrador angel.” Kamangha-mangha na sa loob ng 365 na araw, umakyat sila sa iba’t ibang bundok. Ang pag-akyat ng bundok at pag-alaga ng…

Dahil Kay Jesus

Dahil isang psychologist si Madeline Levine, madali niyang mapansin ang maliliit na bagay katulad ng nakita niya sa isang 15 taong gulang na babae. Nakasuot ang babae ng mahabang manggas na damit, kaya natatakpan nito ang kabuuan ng kanyang braso.

Nang hawiin ng batang babae ang manggas, nakita ni Madeline ang salitang “kulang” na nakaukit sa kanyang braso, alam niya na…