Tulad Ni Jesus
Noong bata pa ang tagapagturo ng Biblia na si Bruce Ware, nalungkot siya nang mabasa niya ang 1 Pedro 2:21-23. Sinasabi kasi ng mga talatang ito na dapat nating tularan si Jesus. Isinulat niya sa kanyang aklat na The Man Christ Jesus kung gaano kahirap tularan si Jesus. Sinabi niya, “Napakahirap ng sinasabi ng talatang ito lalo na kung tutularan…
Magandang Kinabukasan
May mga pagkakataon na kapag nakaranas tayo ng matinding kabiguan sa buhay ay iniisip natin na wala nang saysay pa ang mabuhay. Ganito ang naranasan ni Elias na naging isang bilanggo noon sa Amerika. Sinabi niya, “Nang mabilanggo ako, nawalan na ako ng pag-asa sa buhay at sa magiging kinabukasan ko.”
Pero nabago ang buhay ni Elias nang magkaroon siya…
Pinatatag Ng Biyaya
Noong American Civil War, kamatayan ang ipinapataw na parusa sa mga sundalong tumatakas sa gitna ng giyera. Pero hindi sila pinapatay ng ibang mga sundalo dahil pinapatawad sila ng punong kumander na si Pangulong Abraham Lincoln. Ikinagalit ito ni Edwin Stanton na kalihim noon na namamahala sa digmaan.
Para sa kanya, ang kabaitang ipinapakita ni Pangulong Lincoln ay lalong humihikayat…
Hindi Tayo Dios
May mga tanong sa aklat ni C.S. Lewis na Mere Christianity na maaari nating itanong sa ating mga sarili upang malaman natin kung mayabang ba tayo: “Gaano ko kagusto na pinapansin ako ng ibang tao? Nais ko bang pinupuri ako ng ibang tao?” Ayon kay Lewis, ang kayabangan ang pinakamasamang katangian sa lahat. Ito ang pinakadahilan ng pagkasira ng mga tahanan…
Umawit Ng Papuri
Isang dating mang-aawit si Nancy Gustafson. Minsan, nang dalawin ni Nancy ang kanyang ina na maysakit na dementia, lubha siyang nalungkot nang mapansin niyang lumala na ang pagiging ulyanin nito. Hindi na nagsasalita ang kanyang ina at pati siya ay hindi na nito nakikilala. Naisip ni Nancy na awitan ang kanyang ina nang muli niya itong dalawin. Natuwa ang kanyang…
Desperadong Solusyon
Noong taong 1584, sinadyang pinabaha ni William of Orange ang ilang mga lugar na kanyang nasasakupan. Ginawa niya ang desperadong solusyon na ito para hindi sila masakop ng mga Espanyol. Pero hindi rin naging epektibo ang ginawa niya at nasira pa ang malalawak na mga bukirin. May kasabihan nga na, “Sa mga desperadong panahon, desperadong pamamaraan na rin ang dapat…
Pagbabago Ng Isip
Noong nasa kolehiyo ako, nagkaroon ako ng pagkakataon na makapagbakasyon sa bansang Venezuela. Masasarap ang mga pagkain doon, maganda ang klima at mababait ang mga tao. Pero ang napansin ko sa mga bagong kaibigan na nakilala ko na magkaiba kami ng pagpapahalaga sa oras. Halimbawa na lamang, kung magkikita-kita kami para sama-samang mag-tanghalian, hindi sila dumadating agad sa oras na…
Magkamukha
Minsan, nang magbakasyon kami, nakausap namin ang isang babae na matagal nang kilala ang asawa ko kahit noong bata pa siya. Tiningnan niya ang asawa kong si Alan at ang anak kong si Xavier. Sinabi ng babae, “Kamukhang-kamukha niya ang kanyang tatay noong bata pa ito.” Tuwang-tuwa ang babae at sinabi pa na may tila pagkakatulad sila sa pag-uugali. Pero…
Paghingi Ng Saklolo
Malamig sa lugar na Alaska at laging may snow dito. Minsan, may nasunog na bahay sa isang liblib na lugar dito. Halos walang natirang gamit at pagkain ang taong nasunugan. Makalipas ang tatlong linggo, nabigyan siya ng saklolo nang may dumaan na eroplano sa kanyang lugar at nakita ang isinulat niya na mga letrang SOS sa snow.
Humingi rin naman ng saklolo…
May Bago Ba?
Mahirap magsaka kung walang tubig na mapagkukunan. Ito ang naging problema sa lugar na Somaliland Africa. Kaya naman, para masolusyunan ang problema sa tubig, isang bagong paraan ang ginawa ng Seawater Greenhouse Company upang matulungan ang mga magsasaka sa lugar na iyon at sa iba pang lugar.
Gumawa sila ng tinatawag na “cooling houses” kung saan sinasala ang tubig na nanggagaling sa…