Masayang Pagdiriwang
Isang taon bago pumanaw ang kaibigan kong si Sharon, pumanaw rin si Melissa na anak ng kaibigan kong si Dave. Aksidente sa kotse ang parehong sanhi ng kanilang pagpanaw. Minsan, napanaginipan ko sina Sharon at Melissa. Masaya silang nagkukuwentuhan habang nagdedekorasyon sila ng isang kuwarto. Sa kuwartong iyon ay may mahabang mesa at gintong mga plato at mga baso. Tinanong…
Tumigil at Makinig
May grupo ng mga manggagawa na nagtatabas ng mga bloke ng yelo at inilalagay nila ito sa isang kuwarto na walang bintana. Napansin ng isa sa mga manggagawa na nawawala ang suot niyang relo. Hinanap nila ang relo sa buong kuwarto pero hindi nila nakita. Nang lumabas sila sa kuwartong iyon, pumasok naman doon ang isang batang lalaki. Paglabas niya…
Maghintay
Ang pelikulang Hachi: A Dog’s Tale ay tungkol sa isang propesor at sa alaga niyang aso. Ipinakita ng asong si Hachi ang katapatan niya sa kanyang amo sa pamamagitan nang paghihintay rito sa istasyon ng tren tuwing umuuwi ito galing trabaho. Isang araw, nastroke at namatay ang propesor habang nasa trabaho ito. Naghintay pa rin si Hachi sa istasyon ng tren dahil…
Mga Bagay Na Panlangit
Ang cockeyed squid ay isang uri ng pusit na nakatira sa pinakamalalim na bahagi ng dagat. Tinawag itong cockeyed dahil sa dalawang mata nito na magkaiba. Ang kaliwang mata nito ay mas malaki kaysa kanang mata.
Ayon sa mga dalubhasa, ginagamit nito ang mas maliit nitong kanang mata para makakita sa madilim na bahagi ng dagat. Ginagamit naman nito ang mas…
Ang Ating Ilaw
Nagbabala sa balita na may paparating na bagyo. Susunduin pa naman namin noon ang aking anak sa paliparan. Kaya, naghanda na lamang kaming mabuti sa pagsundo sa kanya. Nagdala kami ng mga damit at tubig sakaling magkaproblema sa daan. Mabagal din kaming nagpatakbo ng sasakyan at walang tigil na nanalangin sa aming biyahe. Nagtiwala na lang din kami sa harapang…
Mapanumbalik Ang Lakas
Aksidenteng naibagsak ng aming pastor ang kanyang cellphone kaya nasira ito. Nang pumunta siya sa pagawaan ng cellphone, inihanda na niya ang sarili niya na hindi na maibabalik pa ang files na nakalagay sa kanyang cellphone. Pero nagawa ang kanyang cellphone at naibalik pa ang videos at larawan na dating nakalagay rito. Binigyan din siya doon ng bagong cellphone.
Pinangunahan naman ni Haring David…
Ano Ang Reputasyon Mo?
Si Ted ang pinakamatangkad na cheerleader sa kanilang paaralan. Halos anim na talampakan ang taas niya at nasa 118 kilo ang bigat niya. “Big Blue” ang tawag sa kanya dahil sa malakas na pagsigaw niya ng “Blue” na kulay ng kanilang paaralan.
Minsan na ring nalulong sa pag-inom ng alak si Ted. Pero hindi ang pagiging cheerleader at pagkalulong niya kaya siya naaalala ng mga…
Kumapit Sa Dios
Isa sa mga dakilang bayani ng bansang Amerika si Harriet Tubman. Nang makalaya siya sa pagkakaalipin, tinulungan niya ang tatlong daang iba pang alipin upang makalaya rin. Halos labinsiyam na beses siyang nagpabalik-balik sa mga lugar kung saan inaalipin ang kanyang mga kaibigan at mga kapamilya. Hindi lamang sarili niyang kapakanan ang inisip niya. Tinulungan niya rin ang iba na…
Ituro Sa Mga Anak
Isang bata ang nasasabik magbukas ng regalo. Inaasahan niya na bagong bisikleta ang kanyang matatanggap. Pero isang diksyunaryo ang natanggap niya. Sa unang pahina ng diksyunaryo ay nakasulat ang mga salitang ito: “Para kay Chuck, mula kina Nanay at Tatay. Patuloy kang mag-aral nang mabuti.”
Nag-aral nga nang mabuti si Chuck sa mga sumunod na taon. Nakapagtapos siya ng kolehiyo…
Maghintay
May isang sikat na restawran sa Bangkok na naghahain ng sabaw na nailuto na sa loob ng apatnapu’t limang taon. Bawat araw ay iniinit at pinapasarap ang sabaw na ito. Habang tumatagal, lalong sumasarap at nagiging malasa ang sabaw. Ilang beses nang nanalo ang restawran na ito dahil sa masarap na sabaw na ito.
Minsan, kailangan naman talagang maghintay upang…