Ipagkatiwala Ang Resulta
Naimbitahan ako dati na magsalita sa mga miyembro ng isang fraternity. Nagpasama ako sa isa kong kaibigan dahil may reputasyon na magugulo ang mga miyembro nito. Nagkaroon nga ng kaguluhan doon. Maya-maya pa’y ipinakilala ako ng kanilang presidente at sinabi na nais naming ipahayag ang tungkol sa Dios.
Nanginginig akong tumayo at sinimulan kong ipahayag sa kanila ang pag-ibig ng…
Matamis Na Bunga
May kasamang ubasan ang bahay na nabili namin. Dahil doon, pinag-aralan naming pamilya kung paano ito aalagaan at palalaguin. Nang dumating na ang panahon ng aming unang pag-ani, pumitas ako ng isang ubas at tinikman ito. Pero nadismaya ako dahil maasim ang lasa nito.
Ang pagkadismayang naramdaman ko ay katulad ng mababasa sa Aklat ni Isaias sa Biblia. Inihalintulad dito…
Gibain Ang Bahay
Sa Pontiac, Michigan, nagkamali ang isang kompanya sa bahay na kanilang gigibain. Nalaman ng mga imbestigador na inilipat ng may-ari ng bahay na gigibain ang numero ng kanyang address. Inilagay niya ito sa bahay ng kanyang kapitbahay para hindi magiba ang kanyang bahay.
Salungat naman dito ang ginawa ni Jesus. Ang misyon Niya ay ang gibain ang sarili Niyang “tahanan”…
Magpahinga
Gustong-gusto ni Ramesh na ipahayag sa iba ang tungkol kay Jesus. Ipinapahayag niya si Jesus sa kanyang mga katrabaho at sa mga bahay-bahay. Nakakahawa talaga ang kasigasigang iyon ni Ramesh. Lalo na noong matutunan niya ang kahalagahan na dapat ring nagpapahinga.
Tuwing Sabado at Linggo, inilalaan ni Ramesh ang kanyang oras sa pagpapahayag ng Salita ng Dios. May pagkakataon rin…
Magkasundo
May nakakatuwang kuwento si Dr. Seuss tungkol sa dalawang tauhan na hindi magkasundo. Ang isang tauhan ay naglalakad patungong kanluran at ang isa naman ay naglalakad patungong timog. Nang magkasalubong sila ay ayaw nilang pagbigyan ang bawat isa na makadaan. Nagaway silang dalawa at nanatili na lamang na nakatayo sa loob ng mahabang panahon sa lugar na pinagsalubungan nila. Ayaw…
Nakikinig Ang Dios
Isa sa pinakamatagal na naantalang sulat sa buong kasaysayan ay tumagal nang 89 taon bago natanggap. Noong 2008 ay nakatanggap ng sulat ang isang babae sa UK na taong 1919 pa ipinadala sa address ng kanyang bahay. Ang sulat ay para sa dating may-ari ng bahay na kanyang kasalukuyang tinitirhan. Nananatiling misteryo ang dahilan kung bakit naging napakatagal ang pagpapadala ng…
Maliit Mang Bagay
Nais ng mag-asawang sina Ashton at Austin Samuelson na maglingkod kay Jesus. Naisip nila na gamitin ang kakayahan nila sa pagnenegosyo upang matulungan ang nagugutom na mga bata.
Kaya naman, noong 2014 ay itinayo nila ang kanilang restawran na may layunin na makapag-abot din ng tulong sa nagugutom na mga bata. Naglalaan sila ng pera mula sa kanilang kinikita upang…
Sa Gitna Ng Bagyo
Nagdesisyon ang mag-asawang sina Mark at Nina na lumipat ng tahanan sa isang bagong lungsod. Idinalangin nila sa Dios ang paglipat nilang ito. Bumili sila ng bagong bahay at naghanda sa paglipat. Pero matapos ang kanilang paglipat, may bagyong paparating sa lugar kung saan na sila nakatira. Nag-text sa akin si Mark at sinabi niya: “Nawasak ng bagyo ang aming bagong…
Aking Tagapagturo
Kinakabahan ako habang papasok ako sa opisina ng bago naming boss. Istrikto at mapagmataas kasi ang dati naming boss. Kaya iniisip ko kung mabait kaya ang bago naming boss. Nawala ang takot ko nang pumasok ako sa opisina dahil sa mainit na pagtanggap ng bago kong boss. Tinanong niya ako ng mga bagay tungkol sa aking sarili. Nakinig siyang mabuti…
Mga Kamay Na Naglilingkod
Kagagaling lamang ng aking tatay sa sakit na prostate cancer. Pero matapos nito ay nabalitaan naman namin na mayroon siyang pancreatic cancer. At ang mas malala pa rito, ang tatay ko ang nag-aalaga sa aking nanay na may malubha ring sakit. Ngayong parehas nang may sakit ang aking mga magulang, alam kong magiging mahirap ang haharapin naming mga araw.
Nang…