Gaya Ng Isang Puno
Isang misyonero at magsasaka si Tony Rinaudo. Tatlumpung taon na siyang naglilingkod kay Jesus sa pamamagitan ng paghihikayat sa mga tao sa Africa na pangalagaan ang mga gubat at magtanim ng mga puno.
Tinulungan ni Tony ang mga magsasaka kung paano magiging sagana muli ang kanilang lupang sakahan sa pamamagitan ng muling pangangalaga ng mga kagubatan. Nakatulong din ito upang…
Mahalaga Ba Tayo?
May isang binata akong pinapadalhan ng liham sa loob ng ilang buwan. Nagdududa kasi siya sa kanyang pananampalataya sa Dios. Minsan, tinanong niya ako kung mahalaga ba tayo sa Dios dahil maliit lang naman ang naibabahagi natin sa mundong ito.
Kung si Moises na isang propeta sa Biblia ang kanyang tatanunganin, siguradong sasang-ayon si Moises na mabilis lamang ang buhay…
Muling Magkikita
Binisita ko sa ospital ang kaibigan kong si Jacquie. Tatlong taon na siyang nakikipaglaban sa sakit na kanser. Noong wala pa siyang sakit, masiyahin siya at punung-puno ng buhay. Pero ngayon ay tahimik na siya at hindi masyadong makagalaw. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya nang bisitahin ko siya kaya binuklat ko na lamang ang Biblia at…
Ipagpapatuloy Ang Nasimulan
Noong bata pa ako, madalas akong tanungin kung ano ang gusto kong maging paglaki ko. Paiba-iba ang sagot ko noon. Gusto ko kasing maging doktor, bumbero, siyentipiko o kaya naman ay maging isang misyonero. Ngayon na isa na akong tatay, naisip ko na nahihirapan din siguro ang mga anak ko sa tuwing sila naman ang tinatanong ko. Minsan ay gusto…
Mga Anghel Mula Sa Dios
May natanggap na kard si Lisa na may nakasulat na talata mula sa Biblia: “Binuksan ng Panginoon ang mga mata ng katulong, at nakita niya na puno ng mga kabayo at karwaheng apoy ang kaburulan sa paligid ni Eliseo” (2 Hari 6:17). Hindi makita ni Lisa ang kahalagahan ng talatang iyon. May kanser kasi siya at nakunan pa. Para sa…
Pagmamahal Ng Asawa
Maagang gumising ang aking asawa at pumunta sa aming kusina. Binuksan niya ang ilaw at siniguro na walang anumang insekto na pumasok sa kusina. Noong nakaraang araw kasi ay nagulat siya sa aking sigaw nang may nakita akong kakaibang insekto doon. Takot ako sa mga insekto kaya mabilis na inalis ng aking asawa ang insektong pumasok sa aming kusina.
Maaasahan…
Hindi Bibitiwan
Minsan, nagbibisikleta si Julio nang may nakita siyang isang lalaki na tatalon sa tulay at magpapakamatay. Agad na umaksyon si Julio at nilapitan ang lalaki. Niyakap niya ito at sinabihan na, “Huwag mong gawin ‘yan. Mahal ka namin.” Sa tulong ng isa pang taong dumadaan ay nailigtas nila ang lalaki. Hindi binitiwan ni Julio ang lalaki hanggang sa dumating ang…
Nananahan Si Cristo
Masayahing bata si Therese pero nagbago ito nang mamatay ang kanyang ina. Naging mahina ang kanyang loob at madali na siyang mainis. Pero lumipas ang ilang taon, nagbago siya nang makadalo siya sa pagtitipon ng mga nagtitiwala kay Jesus. Ipinagdiriwang nila noon ang kapanganakan ni Jesus. Pagkatapos ng pagtitipon na iyon ay naranasan ni Therese ang kasiyahan at ang pag-alis…
Nakatanim Sa Pag-ibig
“Ganoon lang kadali iyon!” Kumuha si Megan ng tangkay ng halamang heranyo, isinawsaw sa pulot, at itinanim ito. Tinuturuan niya ako kung paano magpatubo at magparami ng halamang iyon. Nagtuturo si Megan kung paano mag-alaga ng mga halaman. Itinuro niya kung paano maging malusog ang mga halaman at magbunga ito ng mga bulaklak. Ayon kay Megan, tumutulong ang pulot sa…
Unawain
Isang uri ng sining ang anamorphic art. Sa unang tingin, tila binubuo ng iba’t ibang bagay ang isang larawan. Pero kung titingnan ito sa tamang anggulo, makikita ang tunay na larawang ipinapakita nito. Ipinapakita ng grupo ng mga nakatayong poste ang imahe ng isang kilalang pinuno. Balangkas naman ng isang elepante ang ipinapakita ng mga magkakasamang kable. At ang daan-daang…