Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Tagabantay Ng Ilaw

Malaki ang pagkilala sa mga naging tagabantay ng Cape Hatteras Lighthouse sa North Carolina simula 1803. Tinatawag silang “Keepers of the Light.” Ang mga pangalan nila ay inukit sa mga lumang batong pundasyon. Mababasa rin doon ang paliwanag na sa pamamagitan nito, ang mga bumibisita sa lugar na iyon ay magnanais na sundin ang kanilang mga yapak at naisin din…

Pangalagaan Ang Mundo

Tinanong ako minsan ng anak kong babae, “Tay, bakit kailangan n’yo pong magtrabaho?” Naitanong niya iyon dahil gusto niyang makipaglaro sa akin. Mas gusto ko rin sanang hindi muna pumasok at makipaglaro sa anak ko pero naalala ko ang napakarami kong dapat gawin.

Bakit nga ba tayo nagtatrabaho? Dahil lang ba ito sa pagnanais nating maipagkaloob ang mga pangangailangan natin…

Ang Knife Angel

Nang lumaganap ang krimen gamit ang kutsilyo sa United Kingdom, may naisip na magandang ideya ang British Ironwork Centre. Sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pulis, gumawa sila ng mga kahon kung saan daang libong mga kutsilyo ang pasikretong isinuko ng mga tao. Ang ilan ay may mantsa pa ng dugo. Ipinadala ang mga kutsilyo kay Alfie Bradley na isang…

Ang Nakangiting Hesus

Kung ikaw ang magdala sa papel nga Jesus sa usa ka pelikula, unsay imong buhaton? Kana ang hagit nga giatubang ni Bruce Marchiano, nga nagdala sa papel nga JKung bibigyan ka ng pagkakataon na gumanap bilang Jesus sa isang pelikula, paano mo ito gagampanan? Iyon ang hamon para kay Bruce Marchiano na gumanap na Jesus sa pelikulang Matthew noong 1993.…

Saan Patungo

Minsan, mas napahaba ang aming paglalakbay dahil hindi namin nakita ang tamang daan. Wala kaming signal noon at wala ring mapang masusundan. Ang tanging gumabay sa amin ay ang naaala namin sa mapang nakita naming nakapaskil sa unahan ng lugar na iyon.

Parang ganoon din sa ating buhay. Hindi sapat na alamin lang kung ano ang tama at mali, dapat…

Kaloob Na Kapayapaan

“Nagtitiwala ako kay Jesus at Siya ang aking Tagapagligtas. At hindi ako natatakot sa kamatayan.” Ito ang sinabi ni Barbara Bush sa kanyang anak bago siya mamatay. Siya ang asawa ng dating presidente ng Amerika na si George H. W. Bush. Naranasan niya ang kapayapaang kaloob ng Dios na mula sa kanyang pananampalataya kay Jesus.

Naranasan din ng taga-Jerusalem na…

Ano ang mayroon sa Pangalan?

Ipinahintulot ng Dios na isilang sa araw ng Biyernes ang aming anak na si Kofi at akmang-akma ang ipinangalan namin sa kanya dahil lalaking ipinanganak ng Biyernes ang ibig sabihin nito. Hango rin ang kanyang pangalan sa kaibigan naming tagaGhana na isang pastor. Namatay na ang nag-iisa niyang anak. Lagi niyang ipinapanalangin ang anak kong si Kofi.

Hindi natin malalaman…

Magkuwento

Ang mga katagang, “Noong unang panahon” marahil ang isa sa pinakamakangyarihang mga salita sa buong mundo. Naalala ko noon na lagi kaming nananabik ng kapatid ko na makarinig ng kuwento mula sa aming ina. Tuwing gabi, binabasahan niya kami ng mga kuwento mula sa librong My Good Shepherd Bible Story Book na tungkol sa pagmamahal ng Dios at sa iba’t…

Tumingala

Nang ipasilip ng tagagawa ng pelikulang si Wylie Overstreet ang buwan gamit ang kanyang teleskopyo, labis na namangha ang mga tao. Humanga sila sa ganda nito sa malapitan. Sinabi ni Wylie na sa pamamamagitan ng pagmamasid sa napakagandang buwan na iyon ay lalo tayong mapapaisip na mayroon talagang dakilang Manlilikha na nakahihigit sa atin.

Lubos ding namangha si David sa…

Kailangang Ayusin

“Kagagawa lang ng kalsadang ito pero babaklasin na naman nila ulit?” Ito ang minsang nasabi ko sa aking sarili habang nagmamaneho at bumabagal ang takbo ng trapiko dahil sa ginagawang kalsada. Naisip ko rin na bakit kaya lagi na lang may kailangang ayusing kalsada. At kahit minsan, wala pa akong nakitang karatula sa daan na nagsasabi na tapos na ang…