Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Binago ng Pag-ibig

Noong hindi pa ako sumasampalataya sa Panginoong Jesus, takot akong magkaroon ng relasyon sa iba. Ayoko kasing masaktan muli. Kaya naman, si Mama lang ang aking kaibigan hanggang sa maging asawa ko si Alan. Pagkalipas ng pitong taon, nanganganib na mauwi sa hiwalayan ang aming pagsasama. Noong mga panahong iyon, kinarga ko ang aking anak na si Xavier at pumunta kami…

Palipat-lipat

Ayon sa US Census Bureau, halos 11-12 beses kung magpalipat-lipat ng lugar ang mga Amerikano sa buong buhay nila. Sa mga nagdaang taon, 28 milyong Amerikano na ang nag-impake at lumipat sa bagong bahay.

Nagpalipat-lipat din naman ang mga Israelita noon sa 40 taong pamamalagi nila sa liblib na lugar. Pinangunahan ng Dios ang paglalakbay ng mga Israelita patungo sa lupang…

Selfie

Nagandahan si Krista sa isang parolang nababalutan ng snow na nasa tabi ng lawa. Kaya naman, naisipan niyang kunan ito ng litrato gamit ang kanyang cellphone. Dahil sa hamog sa suot niyang salamin, wala siyang makita. Itinapat na lamang niya ang kanyang cellphone sa parola at kumuha ng litrato na may iba’t ibang anggulo. Nang makauwi na siya, tiningnan niya ang…

Makinig Gamit ang Tainga

Inalok ang artista na si Diane Kruger na gumanap bilang isang may-bahay na namatayan ng asawa at anak. Tinanggap naman niya ang alok kahit na may pag-aalinlangan. Hindi niya kasi alam kung magiging kapani-paniwala ba ang kanyang pag-arte dahil hindi pa niya nararanasan ang ganoong pangyayari. Kaya naman, bilang paghahanda, dumalo siya sa mga pagtitipon kung saan tinutulungan ang mga taong…

Ibalik sa Dati

Mahigit sa 25 milyong dolyar ang nasalanta sa mga pananim nang manalasa ang napakaraming Mormon crickets noong 2003. Sa sobrang dami nito, sa bawat hakbang ay may makikita ka sa daan. Maaaring pagkawasak naman ang naging epekto ng pananalanta ng Mormon Crickets " sa Utah noong 1848 sa kabuhayan ng mga magsasaka at maging sa ekonomiya ng bansa.

Sa Lumang Tipan naman…

Lubos na Pagmamahal

Hinamak ni Edwin Stanton ang pagkatao at pamumuno ni Pangulong Abraham Lincoln sa una nilang pagkikita. Binansagan pa ni Stanton si Lincoln na “nilalang na may mahabang braso.” Pero gayon pa man, pinatawad ni Lincoln si Stanton at binigyan pa siya ng mataas na katungkulan sa gobyerno. Hindi nagtagal, naging mabuting magkaibigan sila. Nang malapit nang mamatay si Lincoln, nandoon si…

Maging Anak Ng Dios

Masaya ako kapag may isang pilantropo na nagpapatayo ng bahay-ampunan. Ngunit mas masayang malaman na gusto nitong ampunin ang isa sa mga bata. Malaking kasiyahan na para sa mga bata ang magkaroon ng tumutulong sa kanila, pero higit na kasiyahan ang tiyak nilang mararamdaman kapag may nais mag-ampon sa kanila at ituring silang tunay na anak.

Kung anak ka na ng…

May Ginagawa

Tinanong ko minsan ang aking kaibigan, “Ano ba ang diatom?” Sabi niya, “Parang lumot din ‘yan pero mas maliliit at mahirap makita kaya kailangan pang lagyan ng langis ang lente o dapat patay na ang mga iyan para makita.” Namangha ako habang tinitingan ko ang larawan ng mga ito sa cellphone niya. Hindi rin mawala sa isip ko kung gaano kahusay…

Punitin Ang Langit

Sa pag-uusap namin ng aking kaibigan, sinabi niya sa akin ang pagtalikod niya sa kanyang pananampalataya. Narinig ko mula sa kanya ang madalas ding itanong ng karamihan: “Paano ako maniniwala sa Dios na wala namang ginagawa?” Naitatanong nga natin ito lalo na kapag may nababalitaan tayong mga masasamang nangyayari sa ating paligid.

Makikita sa sinabi ng kaibigan ko ang masidhing pag-asam…

Nagpapagaan ng Loob

Habang naghihintay ako sa istasyon ng tren, maraming negatibong bagay ang pumasok sa isipan ko. Kabilang sa mga ito ang mga babayaran kong utang, mga hindi magandang sinasabi sa akin at kawalang magawa sa di-makatarungang nangyari sa aking kapamilya. Pagdating ng tren, hindi na maganda ang lagay ng aking loob.

Nang sakay na ako ng tren, may panibago na naman akong…