Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Magtulungan Tayo

May dalawang atleta ang umagaw sa atensyon ng marami noong 2016 Rio Olympics sa paligsahan ng pagtakbo. Habang tumatakbo, nagkabanggaan sina Nikki Hamblin at Abbey D’Agostino at parehas silang natumba. Nakatayo agad si Abbey at agad niyang tinulungang makatayo si Nikki. Muling tumakbo ang dalawa pero ilang sandali lang ay biglang nanghina si Abbey dahil sa pilay na natamo niya mula…

Pinakamalaking Bahagi

Madalas naming pinagtatalunang magkakapatid noong mga bata pa kami, ang sukat ng tinapay na ibinibigay sa amin ng aming nanay. Minsan, narinig ng tatay ko ang aming pagtatalo. Kaya sinabi niya sa nanay ko, "Bigyan mo ako ng tinapay na sinlaki ng iyong pagmamahal." Tumahimik kaming lahat at ibinigay ng aking nanay ang pinakamalaking bahagi ng tinapay sa aming tatay.

Maaaring…

Sumunod kay Jesus

May kakaibang paraan ang kilalang tumutugtog ng biyolin na si Joshua Bell para pangunahan ang grupo ng manunugtog. Sinabi ni Bell nang kapanayamin siya sa isang programa sa radyo, “Kahit tumutugtog ako ng biyolin, maayos ko pa ring nagagabayan ang aking grupo sa mga dapat nilang gawin. Nakatuon kasi ang kanilang paningin sa akin at nauunawaan nila ang bawat galaw ko.…

Walang Harang

Nagkikita kami tuwing Martes ng dating bilanggo na si Mary. Nasa isang lugar siya para sa mga lumayang bilanggo na nais magbagong buhay. Maaaring malaki ang pagkakaiba ng buhay ko kay Mary. Kakalabas niya lang sa kulungan, nagpapagaling sa pagkalulong sa droga at hiwalay sa kanyang anak. Masasabi rin natin na mahirap lang ang buhay niya.

Mahirap din naman ang buhay…

Pigilin ang Galit

Habang naghahapunan kami ng kaibigan ko, ikinuwento niya sa akin na naiinis siya sa isa niyang kapamilya. Hindi niya kasi masabi sa kanyang kapamilya ang mga bagay na kanyang ikinaiinis. Nang subukan namang kausapin ng kaibigan ko ang kanyang kapamilya, sinagot lang siya nito nang pabalang. Hindi raw napigilan ng kaibigan ko na magalit. Nagdulot tuloy ang pangyayaring iyon ng hidwaan…

Sino ang iyong Ama?

Nang bumili ako ng cellphone sa ibang bansa, hiningan ako ng mga impormasyong karaniwang hinihingi tulad ng pangalan, nasyonalidad, at tirahan. Nagulat naman ako nang hingin din ang pangalan ng aking ama. Napaisip tuloy ako kung bakit importanteng malaman nila kung sino ang aking ama dahil sa kultura nami’y hindi naman ito importante. Pero sa kultura ng bansang iyon, mahalagang malaman…

Pagsunod

Minsan, napagsalitaan ko ng hindi maganda ang aking asawa. Hindi kasi nasunod ang gusto kong mangyari. Binalewala ko noon ang pagpapaalala sa akin ng Banal na Espiritu ng mga talata sa Biblia na nagpapakita ng mali kong pag-uugali. Makakabuti ba sa aming pagsasama ang pagmamataas ko at ang pagsuway ko sa Dios? Hinding hindi. Kahit humingi ako ng tawad sa Dios…

Manatili nang Sandali

Habang pinag-uusapan ang pelikulang The Lord of the Rings, sinabi ng isang kabataan na mas gusto niyang binabasa ang mga kuwento sa libro kaysa panoorin ito sa sinehan. Nang tanungin ang kabataang iyon kung bakit, sinabi niya, “Maaari kasi akong manatili sa isang bahagi ng kuwento at basahin ito ng basahin hangga’t gusto ko.” May magandang epekto ang pagbubulay-bulay sa isang…

Magpatawad

Naramdaman ni Tham Dashu na tila may kulang sa buhay niya. Kaya, pumunta siya sa pagtitipon ng mga sumasampalataya kay Jesus kung saan dumadalo ang kanyang anak. Hindi sila magkasabay na pumupunta roon dahil mayroon silang hindi pagkakaunawaan na mag-ama. Kaya naman malayo ang loob nila sa isa’t isa. Pumapasok si Tham kapag nagsisimula na ang pag-awit ng papuri sa Dios…

Nauunawaan tayo ng Dios

Nagpapastor sa mga pulis at sa mga bumbero si John Babler. Nang magbakasyon siya sa kanyang trabaho, sumali siya sa pagsasanay at pag-aaral ng mga nais maging pulis. Sumali siya para mas maunawaan niya ang pinagdadaanan ng mga pulis. Naranasan ni Babler ang matinding pagsasanay ng mga nais magpulis kaya naman lalo niyang nirerespeto ang kanilang trabaho. Sa pangyayaring iyon, inaasahan…