Kung Sana...
Minsan, nakasakay na kami ng asawa ko sa aming kotse para umalis na sa aming pinaparadahan. Bago kami umalis, pinadaan muna namin ang isang babaeng nagbibisikleta. Ilang saglit lang ang nakalipas, bumangga ang babae sa pinto ng isa pang nakaparadang sasakyan. May bigla kasing nagbukas nito. Bumagsak ang babae at nagdugo ang kanyang binti.
Naisip naming mag-asawa, “Kung hindi na lang…
Ang Mukha ng Dios
Mahirap ilarawan ang mukha ng aking ama. Mabait siya pero kung titingnan mo siya, parang wala siyang damdamin. Noong bata pa ako, tinititigan ko ang kanyang mukha. Minamasdan ko kung nakangiti ba siya o nagpapakita ng iba pang emosyon. Masasabing ang ating mukha ang nagpapahayag kung sino tayo. Anumang ekspresyon na ginagawa ng ating mukha tulad ng pagngiti o pagsimangot ang…
Pagmamalasakit
Hindi maipaliwanag ng isang Australyanong mamahayag ang naging pakiramdam niya nang palayain siya mula sa 400 araw na pagkakakulong sa bansang Egipto. Masaya man sa kanyang paglaya, mahirap para sa kanya na iwan at magpaalam sa mga kaibigan niyang kapwa mamahayag na nakulong din. Nag-alala siya kung hanggang kailan mananatili ang mga ito sa kulungan.
Nag-alala rin si Moises para sa…
Para sa Lahat
Sa panahon ngayon, masyado nang matindi ang pagtingala sa mga sikat na personalidad. Kaya, hindi na kataka-taka na kailangan mong magbayad ng napakalaking halaga para lang makausap sila ng personal.
Isa ring sikat na personalidad ang turing ng marami kay Jesus. Sinusundan nila si Jesus saan man Siya magpunta, nakikinig sa Kanyang mga itinuturo, pinapanood ang Kanyang mga himala at humihingi…
Gantimpala
Nang minsang bumisita ako sa bahay ng aking kapatid, sabik na ipinakita sa akin ng mga pamangkin ko ang bagong sistemang ipinapatupad sa kanilang bahay. Nagkakaroon sila ng puntos kapag nagawa nila ang kanilang gawaing bahay at nababawasan naman sila ng puntos kapag hindi nila ito ginawa bilang parusa. Gagantimpalaan naman ang makakakuha ng pinakamataas na puntos. Dahil sa sistemang ito,…
Nagniningning
Inalagaan ko ang aking ina nang magka-kanser siya. Kahit hirap na hirap siya sa kalagayan niya, nagbabasa pa rin siya ng Biblia at nananalangin para sa iba.
Lagi siyang naglalaan ng oras para sa Dios. Ipinapakita niya ang kanyang pananampalataya sa pamamagitan ng pagiging mabuti, pagpapalakas ng loob at pananalangin para sa iba. Makikita rin sa kanya na sa Dios lamang…
Magpakita ng Kabutihan
Noong 1934, nagsimula ang US Masters Golf Tournament. Sa paligsahang iyon, tatlong manlalaro pa lang ang nagkampeon ng dalawang beses. Akala ng marami, magiging pang-apat na si Jordan Spieth pero hindi iyon nangyari. Hindi naipanalo ni Jordan ang laro niya noong ika-10 ng Abril, taong 2016. Natalo siya kay Danny Willet. Pero kahit natalo siya, malugod niyang binati ang bagong kampeon.…
Pagsasanay
Nang minsang nagsasanay ako para sa sasalihan kong paligsahan, pakiramdam ko’y bumagsak ako sa isang pagsusulit. Kalahati kasi ng dapat kong takbuhin ay nilakad ko lang at may pagkakakataon pa na umupo lang ako.
Napanghinaan man ako ng loob, naisip ko na hindi naman ito ang layunin ng pagsasanay. Hindi ito isang pagsusulit na kailangang ipasa at hindi rin kailangang makakuha…
Kapayapaan at Pagtitiwala
Noong unang beses akong sumakay sa roller coaster na isang sasakyan sa perya, takot na takot ako. Kasama ko noon ang mga kapatid ko. Nang paliko na ang roller coaster at lalong bumilis ang takbo, pinapahinto ko na ito dahil gusto ko nang bumaba. Pero hindi ito huminto. Nilabanan ko na lang ang aking takot at humawak na lang ng mabuti…
Tulad Natin
Nais ng guro at manunulat na si Foster Wallace na mabago ang mga maling gawi ng mga estudyante niya pagdating sa pagsusulat. Nag-isip si Foster kung paano sila matutulungan para mas maging mahusay. Pero naitanong niya sa sarili kung pakikinggan ba ng mga estudyante ang isang mayabang at mapagmataas na gurong tulad niya.
Maaaring magbago si Foster at nagbago nga siya.…