Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Handang Maglingkod

Minasdasdsadsan sa aming lugar sambahan, nagkaroon ng seremonya kung saan naghugasan ng mga paa ang aming pastor, mga namumuno at ang mga bagong lider na itatalaga sa araw na iyon. Layunin nito na ipakita na ang tungkuling gagampanan ng mga bagong lider ay hindi lamang mamuno, kundi maging tagapaglingkod din.

Mababasa naman natin sa Juan 13 na ganoon din ang ginawa…

Makiisa

Hinangaan ko ng husto ang pinanood kong konsiyerto ng isang banda na binubuo ng mga batang estudyante. Napakaganda ng pagtugtog nila bilang isang banda. Kung sakaling ang bawat isa sa kanila ay nagnanais na tumugtog mag-isa, mas maganda pa rin ang magiging kinalabasan ng pagtugtog nila bilang isang grupo kaysa isahang pagtugtog ng kanilang mga instrumento.

Sinabi naman ni apostol Pablo…

Hindi Makatarungan

Sa isang lugar, kitang-kita ang malaking agwat ng estado sa buhay ng Mayor at ng nasasakupan niya. Nagpapasasa siya sa karangyaan. Napakaganda ng kanyang mansyon samantalang nakatira lang sa barong-barong ang mga tao at salat sa pangangailangan.

Ikinagagalit natin ang mga ganitong ’di makatarungang sitwasyon tulad ng naramdaman ni propeta Habakuk. Tinanong niya ang Dios, “hanggang kailan ako hihingi ng tulong,…

Ibahagi sa Iba

Pinadalhan ako ng kaibigan ko ng mga kasangkapang siya mismo ang gumawa. Pagbukas ko ng kahon, nagkabasagbasag na pala ang mga ito.

Nang pagdikit-dikitin ng asawa ko ang isa sa mga tasa, ginawa ko itong palamuti sa aming istante. Tulad ng tasa na makikitaan ng marka na ito’y nabasag, parang may marka rin ako dahil sa aking mga pinagdaanan. Pero sa…

Palakasin ang Loob

Malaki ang nagagawa ng pagpapalakasan ng loob ng mga empleyado sa isang kumpanya. Kung maayos ang pakikipag-usap ng mga empleyado sa isa’t isa, mas nasisiyahan ang mga kliyente nila at mas malaki ang kinikita ng kumpanya.

Natutunan naman ni apostol Pablo mula sa kanyang mga karanasan ang halaga ng mga salitang binibitawan. Noong hindi pa siya sumasampalataya kay Jesus, nasisindak ang…

Determinado

Nakatanggap ako ng sulat kung saan inaanyayahan akong sumali sa isang samahan ng mga taong determinado. Hinanap ko ang kahulugan ng salitang determinado at nalaman ko na ang isang determinadong tao ay may lubusang pagnanais na magtagumpay at gagawin ang lahat para makamit ang kanyang mga ambisyon o layunin.

Mabuti ba na maging determinado? Malalaman natin kung mabuti ito base sa…

Tulad ng Ama sa Langit

Minsan, sinabi sa akin ng aking ama na lagi siyang wala noong bata pa ako.

Hindi naman ganoon ang pagkakatanda ko. Wala man siya dahil sa trabaho at sa mga gawaing dapat niyang daluhan sa aming lugar sambahan, lagi naman siyang naroon sa lahat ng mga mahahalagang pangyayari sa aking buhay. Naroon din siya maging sa mga hindi mahalagang pangyayari.

Tulad…

Paulit-ulit

Nang minsang pauwi kami galing sa isang kasal, tinanong ako ng aking ina sa ikatlong pagkakataon kung ano ang balita sa aking trabaho. Inulit kong muli ang sagot ko sa kanya at inisip ko rin kung paano ko ito sasabihin na maaalala niya.

May Alzheimer’s Disease kasi ang aking ina. Isa itong sakit kung saan untiunting nawawala ang memorya ng isang…

Nabuhay Muli

Noong kabataan pa ang aking ama, nagbiyahe siya at ang kanyang mga kaibigan papunta sa isang paligsahan. Madulas ang kalsada noon dahil sa ulan kaya naaksidente sila. Napakatindi ng aksidenteng iyon. Isa sa mga kaibigan niya ang naparalisa at may isa na namatay. Dineklara ring patay ang aking ama at dinala sa morge. Pinuntahan siya ng lolo’t lola ko roon. Labis…

Pagkakaisa

Sinulatan ko ang aking kaibigan tungkol sa hindi namin pagkakaintindihan. Hindi siya sumagot sa sulat ko, kaya naisip ko na hindi ko na sana ginawa iyon. Ayaw ko na palalain ang sitwasyon pero ayaw ko rin naman na hindi maayos ang problema namin bago siya mangibangbansa. Ilang araw siyang naging laman ng isip ko.

Ipinanalangin ko siya. Hindi ko pa alam…