Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Hindi Nagbabago

Minsan, nabasa ko ang isinulat ng kaibigan ko na nakaraos sa mga pinagdaanan niyang pagsubok. Sinabi niya, “Napakaraming nagbago at nakakatakot ang mga pagbabago. Walang nananatili, lahat nagbabago." Totoo naman iyon. Sa loob nga lang ng dalawang taon, marami na ang mangyayaring pagbabago. May pagbabago sa trabaho, may bagong kaibigan, may magkakasakit at may mamamatay. Mabuti man o masama, maaaring mangyari…

Dios-diosan

Hinihintay naming mabautismuhan si Kossi na taga Africa. Nagtitiwala siya at ang kanyang pamilya kay Jesus. Habang naghihintay, nakita naming kinuha ni Kossi ang isang lumang rebulto na gawa sa kahoy. Matagal na nilang sinasamba ang rebultong iyon. Pero inihagis niya ito sa apoy at pinagmasdan habang natutupok ng apoy. Hindi na nila kailangan pang mag-alay muli ng mga manok na…

Ang huling Salita

Si Dawson Trotman ay isang lider ng kapulungan ng mga sumasampalataya kay Jesus. Binigyan-diin niya ang kahalagahan ng Salita ng Dios sa buhay ng mga mananampalataya. Sinasanay daw ni Dawson na ang huling mga salitang maiisip niya bago matulog ay ang Salita ng Dios. Nagkakabisado at pinagbubulayan niya ang mga talata sa Biblia. Nananalangin din siya na maisabuhay niya nawa ang…

Pusong May Malasakit

Minsan, pumunta kami ng pamilya ko sa isang lugar na may mga nagtatanghal. Nais namin na magkakatabi kaming lahat sa upuan. Kaya nang may makita kaming libreng upuan para sa aming lahat, agad kaming pumunta. Pero nang papunta na kami, may isang babae na nagmamadali at inunahan kami sa upuan. Sinabi ng asawa ko sa babae na gusto naming magkakatabi sana…

Kumikilos Siya

May kailangang malaman ang anak ko kaya nagtext siya sa kanyang kaibigan. Makalipas ang ilang sandali, ipinaalam ng kanyang cellphone na nabasa na raw ng kaibigan niya ang mensahe niya. Pero hindi pa rin sumasagot ang kaibigan niya. Nag-alala tuloy ang anak ko. Iniisip niya na baka masama ang loob ng kanyang kaibigan sa kanya kung kaya’t hindi ito nagtetext. Pero…

Tinugon na Panalangin

Nagpapasalamat ako sa Dios sa pagkakataon na maalagaan ko ang aking nanay noong may malala siyang sakit. Ipinasya ni nanay na itigil na ang pagpapagamot dahil labis-labis na ang nararamdaman niyang sakit sa tuwing ginagamot. Nais na lamang niya na makasama ang kanyang pamilya sa mga nalalabi niyang buhay. Sinabi rin niya na handa na siyang makasama ang Dios.

Nang mga…

Magandang Imbitasyon

Marami akong natanggap na mga liham nitong mga nakaraang araw. Hindi ko binibigyang-pansin ang mga liham na nag-aanyaya na para sa akin ay hindi naman mahalaga. Pero nang mabasa ko ang isang imbitasyon, sumagot agad ako na makakapunta. Pagtitipon kasi iyon para parangalan ang isa kong kaibigan. Ipinapakita nito na kapag gusto natin ang isang paanyaya ay kaagad itong tinatanggap.

Mababasa…

Buhay at Kamatayan

Hinding-hindi ko makakalimutan ang pagkakataong nasaksihan ko ang pagkamatay ng kapatid ng aking kaibigan. Habang nag-uusap kaming tatlo sa isang kuwarto ng ospital, unti-unti nang nahirapang huminga ang kapatid ng aking kaibigan. Nilapitan namin siya at sama-sama idinalangin. Sa kanyang huling hininga ay naramdaman pa rin namin ang pagmamalasakit ng Dios sa kabila ng aming pagluha at kalungkutan.

Nakaranas din ang…

Matinding Pagsubok

Minsan, pumunta ako sa isang museo sa Colorado. Natutunan ko doon ang tungkol sa kakaibang katangian ng isang puno na tinatawag na aspen. Tumutubo ang aspen mula sa isang buto at nagdidikitdikit ang mga ugat nito. Kapag naghiwa-hiwalay na ang mga ugat at naarawan saka pa lamang tutubo ang mga sanga at dahon nito. Sa tulong ng pagkasunog ng gubat, pagbaha…

Masaganang Bunga

Natatanaw mula sa bintana ng eroplanong aking sinasakyan ang isang masaganang bukid na nasa pagitan ng dalawang tigang na bundok. Makikita rin doon ang isang ilog na siyang nagbibigay ng tubig sa bukid.

Nakabatay ang masaganang ani sa kung gaano karaming tubig ang naibibigay sa mga tanim. Nakabatay rin naman sa dami ng panahon ng paglalaan sa Salita ng Dios ang…