Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

PANALANGING MAY PAG-IBIG

Matagal nang maraming naiirita kay John sa simbahan. Mabilis kasi siyang magalit, mayabang, at gusto laging nasusunod. Marami rin siyang mga reklamo tungkol sa mga nagboboluntaryo sa simbahan. Sa totoo lang, hindi siya madaling mahalin.

Kaya nang nalaman kong may kanser siya, nahirapan akong manalangin para sa kanya. Naalala ko kasi ang masasakit na salita niya. Pero inalala ko ang…

ANG TAGUMPAY NI JESUS

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, may kakaibang ipinapadala sa ilang kampo ng sundalo sa Europa: mga piyano. Ginamit ang mga ito bilang pampawi ng lungkot ng mga sundalo. Espesyal ang pagkagawa ng mga ito. Magaan at may proteksyon laban sa tubig at insekto. Sa tulong ng mga ito, nabigyan ng kagaanan ang mga sundalo. Sama-sama silang umaawit ng mga kanta mula…

KILALA ANG TINIG NG PASTOL

Tumira kami sa isang bukirin sa Tennessee noong bata pa ako. Madalas kaming maglakad ng kaibigan ko sa kakahuyan. Sumasakay din kami noon sa maliliit na kabayo at pumupunta sa mga kamalig para panoorin ang mga cowboy na nag-aalaga ng mga kabayo. Pero kapag narinig ko na ang sipol ni tatay sa gitna ng iba’t ibang tunog, iiwan ko ano man…

WINASAK NA

“Lilipad na bukas ang mga munting ibon!” Masayang balita ng misis kong si Cari. May pamilya kasi ng ibong namamahay sa basket na nakasabit sa labas ng bahay namin. Araw-araw niya iyong tinitingnan at kinukuhanan ng litrato. Kinabukasan, maagang binisita ni Cari ang mga ibon. Pero nagulat siya dahil ahas ang nasa pugad! Gumapang ito sa pader at kinain ang…

PAGPUPURSIGE

Labindalawang taong gulang si Ibrahim nang dumating siya sa Italy mula sa West Africa. Hindi siya marunong magsalita ng Italian. Nauutal-utal siya at nakaranas din ng panghahamak bilang dayuhan. Pero hindi sumuko ang masipag na bata. Nagbukas siya ng sarili niyang tindahan ng pizza sa Trento, Italy. Naging isa sa limampung pinakasikat na tindahan ng pizza sa buong mundo ang negosyo niya.…

TANGGAP SA TAHANAN NG DIOS

Kinuha ni Coach Sherman Smith si Deland McCullough para maging manlalaro ng American football para sa Miami University. Minahal ni Sherman si Deland na para niyang anak. Sa wakas, naranasan ni Deland na magkaroon ng ama. Ninais din ni Deland na maging tulad siya ni Sherman. Sa paglipas ng mga dekada, natagpuan ni Deland ang inang nagsilang sa kanya. Laking gulat…

PAGLILIGTAS NG DIOS

Tinawag na “anghel dela guwardiya” si Jake Manna. Isang araw kasi, pinili niyang huminto sa gitna ng trabaho para sumama sa paghahanap sa isang nawawalang batang babae. Habang naghahanap ang iba sa mga bahay at bakuran, napunta si Jake sa kakahuyan. Doon niya nakita ang bata. Nakalubog ito hanggang baywang sa maputik na tubig sa latian. Dahan dahan niyang nilusong…

SUMASALAMIN SA LIWANAG

Magkagalit kami ni nanay. Sa wakas, isang araw, pumayag na rin siyang magkita kami. Medyo malayo sa akin ang lugar at nakaalis na siya bago ako dumating. Sa galit ko, sinulatan ko siya ng isang liham. Pero dama kong inuudyukan ako ng Dios na tumugon nang may pag-ibig. Kaya binago ko ang laman ng liham. Matapos niya itong mabasa, tinawagan…

SULIT ANG PAGSUNOD KAY JESUS

Relihiyoso ang pamilya ni Ronin. Pero hindi sila nagtitiwala kay Jesus. Walang buhay at madalas pang-akademiko ang mga usapan nila tungkol sa mga bagay na espirituwal. Sabi niya, “Ulit ulit kong inuusal ang mga dasal, pero hindi ko naririnig ang tugon ng Dios.”

Sinimulan niyang aralin ang Biblia. Unti-unti, nagtiwala siya kay Jesus bilang Tagapagligtas. At isang araw, nasabi niya,…

SUMASAMBA ANG LAHAT

Noong nasa Athens, Greece ako, nabisita ko ang sinaunang Agora. Dito nagtuturo noon ang mga sinaunang philosophers. Dito rin sumasamba ang mga taga-Athens. Nakita ko doon ang altar para kina Apollo at Zeus, malapit sa Acropolis kung saan nakatayo noon ang rebulto ni Athena.

Kahit hindi na sumasamba kay Apollo at Zeus ngayon, relihiyoso pa rin ang lipunan. Sabi ng…