
ESPIRITUWAL NA PAMANA
Bilang mga teenager, hindi namin naintindihan ni Ate nang magtiwala si Nanay kay Jesus bilang Tagapagligtas. Pero hindi rin namin maikaila ang mga pagbabagong nakita namin sa kanya. Nagkaroon siya ng higit na kapayapaan at kagalakan. Buong katapatan din siyang naglingkod sa simbahan. At dahil gustong-gusto niya ang pag-aaral ng Biblia, nag-aral siya sa isang seminaryo. Ilang taon matapos ito,…
MANATILI SA TAMANG LANDAS
Sa isang eksena sa pelikulang The Fellowship of the Ring na batay sa nobela ni J.R.R. Tolkien, hinarap ni Gandalf the Grey si Saruman the White. Malinaw sa tagpong ito na tinalikuran ni Saruman ang kanyang tungkuling protektahan ang Middle-earth mula sa kasamaan ni Sauron. Ang masaklap pa, nakipag-alyansa si Saruman kay Sauron! Nagtunggali ang dating magkaibigan sa isang matinding labanan…

PAGSIKAP NA MALIGTAS
Inilunsad noon ng lungsod ng New York ang “Stay Safe. Stay Put” campaign (“Maging Ligtas. Maging Kalmado”). Layunin nitong turuan ang mga tao kung paano manatiling kalmado at ligtas kapag nakulong sa elevator. Ayon kasi sa ulat ng mga eksperto, may mga nangamatay dahil sinubukan nilang buksan ang pintuan ng elevator o pinilit na lumabas sa ibang mapanganib na paraan. Ang pinakamainam…

DISYERTONG NAMUMULAKLAK
Sa nakalipas na isang siglo, 40% ang kagubatan sa bansang Ethiopia. Pero ngayon, 4% na lang ito. Maituturing itong krisis, na dulot ng pagwasak ng mga puno kapalit ng pagsasaka ng ekta-ektaryang lupa para sa pananim. Kung titingnan ang mga kuha mula sa ere, makikita ang tila mga luntiang isla na napalilibutan ng kayumangging buhangin. Upang hindi mawala ang mga…

MGA MATANG NAKAKAKITA
Nag-aalala si Joy para sa kamag-anak na si Sandy. Sa loob kasi ng maraming taon, nalulong si Sandy sa alak at nakipaglaban sa mga pagsubok na pangkaisipan (mental health issues). Nang puntahan nila ang apartment ni Sandy, naka-kandado ito at tila walang tao. Habang pinag-uusapan nila ang paghahanap kay Sandy, nanalangin si Joy, “Dios ko, tulungan Mo po akong makita ang…
