Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Napakaraming Tao

Masaya at excited kaming nagkita-kita para sumamba nang araw na iyon ng Linggo. Kahit hiwa-hiwalay kami dahil sa coronavirus, kinuha namin ang pagkakataon para ipagdiwang ang kasal nina Gavin at Tijana. Naka-broadcast iyon sa mga kaibigan namin at kapamilya na nakakalat sa iba’t ibang bansa—sa Spain, Poland, at Serbia. Tinulungan kami ng ganitong teknolohiya para malampasan ang mga hadlang habang pinagdiriwang namin…

Magsama-sama

Isang simbahan ang nahati noon dahil sa hita ng manok. Pinag- aawayan daw ng dalawang lalaki ang huling hita ng manok sa isang kainan sa simbahan. Sabi ng isa, gusto raw ng Dios na sa kanya mapunta iyong manok. Sagot naman niyong isa, wala daw pakialam ang Dios doon, at gusto niya iyong manok. Sobrang lala ng away na umalis…

Ang Perpektong Pangalan

Isang araw sa Agosto, pinanganak ng asawa ko ang pangalawa naming anak. Pero nahirapan kaming bigyan siya ng pangalan. Tatlong araw na “Baby Williams” lang ang tawag namin sa kanya, bago sa wakas ay napangalanan namin siyang Micah.

Medyo mahirap pumili ng tamang pangalan. Maliban na lang kung Dios ka, na nakahanap ng perpektong pangalan para doon sa bukod-tanging nagpabago…

Magbigay Nang May Galak

Hindi alam ni Nicholas na ilang daantaon pagkamatay niya, makikilala pala siya bilang Santa Claus.

Isa lang siyang tao na nagmamahal sa Dios, tunay na nagmamalasakit sa mga tao, at kilalang mapagbigay at mapaggawa ng mabubuting bagay. Ang sabi, nang malaman ni Nicholas na naghihirap ang isang pamilya, pumunta siya isang gabi sa bahay ng mga ito at naghagis ng…

Pagsasalarawan Sa Kasulatan

Makikita ang mga asul at puting tiles sa mga bahay sa Netherlands. Karaniwang pinakikita rito ang mga pamilyar na tanawin sa bansang iyon: magagandang lugar, windmills, at mga taong nagtatrabaho at naglalaro .

Noong ika-19 na siglo, binanggit ni Charles Dickens sa librong ‘A Christmas Carol’ na ginamit din ang mga tiles na ito sa pagsasalarawan ng Biblia. Kinuwento niya doon ang isang…

Henerasyon Ngayon

“Wag kang maniniwala sa kahit sinong lampas trenta na,” sabi ng batang environmentalist na si Jack Weinberg noong 1964. Nalagyan ng label ang isang buong henerasyon dahil sa komento niyang iyon—kaya naman pinagsisihan niya yun.” Sabi pa niya, “Iyong isang bagay na sinabi ko lang basta... nabaluktot iyon at hindi naintindihan.”

Nakarinig ka na ba ng mga nang-aalipustang komento para sa…

Tunay Na Pagkakilanlan

Habang tinitingnan ng kaibigan ko ang mga pictures niya, tinuro niya ang mga pisikal na katangian niya na sa tingin niya ay kapintasan. Sinabi ko sa kanya, “Ang nakikita ko ay isang maganda at minamahal na anak ng Makapangyarihang Hari ng mga hari. Nakikita ko ang isang mahabaging babae na umiibig sa Dios at sa iba, na ang tunay na kabutihan,…

Kailangan Natin Ang Simbahan

Lumaki ako bilang panganay ng isang pastor. Kada Linggo, malinaw ang inaasahan sa akin: Dapat nasa simbahan ako. Maliban na lang siguro kung may lagnat ako. Pero ang totoo, gustung-gusto kong magsimba, at nagpupunta ako doon kahit pa may lagnat talaga ako.

Pero nagbago ang mundo, at hindi na gaya ng dati ang regular na bilang ng mga nagpupunta sa simbahan.…

Ipagdiwang Ang Pagkakaiba

Sa graduation sa isang lokal na high school noong 2019, 608 na estudyante ang tumanggap ng diploma nila. Sinabi ng prinsipal na tumayo ang estudyante kapag binanggit niya ang pangalan ng bansa kung saan sila ipinanganak: Afghanistan, Bolivia, Bosnia . . . . Nagpatuloy ang prinsipal hanggang sa nabanggit niya na ang 60 bansa at lahat ng estudyante ay nakatayo na at…

Nakamamanghang Liwanag

Noong 2018, labindalawang manlalaro ng soccer kasama ang kanilang coach ang namasyal sa isang kuweba. Subalit hindi nila inaasahang tumaas ang tubig sa kuweba, kaya nakulong sila dito nang mahigit sa dalawang linggo. Maraming sumubok na hanapin ang grupo sa pamamagitan ng paghahanap ng liwanag mula sa kanilang flashlight. Matapos nga ang maraming araw at gabi sa kadiliman, nakita rin ang aandap-andap…