Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Sabihin Sa Kanya

Si Victor Hugo (1802-1885) ay isang makata at manunulat noong panahon ng kaguluhan sa bansang France. Kilala siya sa isinulat niyang nobelang Les Miserables. Makalipas ang mahigit isandaang taon, isang dula na base sa nobelang isinulat ni Hugo ang naging tanyag. Hindi ito nakakagulat. Ayon na rin kay Hugo, “Isang paraan ang musika para masabi ang mga bagay na hindi…

Ipamalita Siya

Ang paligsahan sa pagtakbo ay base sa kuwento ng Griegong tagapagbalitang si Pheidippides. Ayon sa kuwento, noong 490 BC, tumatakbo si Pheidippides ng 45 kilometro mula sa Marathon patungong Athens para ibalita ang pagkapanalo ng mga Griego laban sa mga taga-Persia.

Ngayon, sumasali ang mga tao sa mga paligsahan sa pagtakbo bilang isang uri ng palakasan. May magandang layunin si Pheidippides…

Sumunod Sa Kanya

Sa loob ng mahabang panahon, nabuo ang isang pagkakaibigan sa pagitan ng isang mag-asawang Briton na naninirahan sa Kanlurang Aprika at sa isang lalaki na nagmula sa bayan kung saan sila nakatira. Ipinapahayag ng mag-asawa sa lalaki ang tungkol sa pag-ibig at kaligtasang mula kay Jesus. Naunawaan ng lalaki ang tungkol sa pag-ibig ng Dios pero nagdadalawang-isip siya na tanggapin…

Palaging Kasama

“Alam ko kung saan nakatira ang Dios.” Ito ang sinabi ng apat na taong apo namin sa asawa kong si Cari. Tinanong naman siya ng asawa ko, “Saan?” Muling sumagot ang apo ko, “Nakatira po Siya sa kakahuyan malapit sa bahay mo.”

Nang mapag-usapan namin ni Cari ang tungkol sa pangyayaring iyon, napaisip siya kung bakit ganoon ang sinabi ng…

Matatag Na Pananampalataya

Malungkot na tinanggap nina Diane Dokko Kim at ng asawa niya ang katotohanang habambuhay nilang aalagaan ang may sakit nilang anak. Ayon sa mga doktor, may sakit na autism ang panganay nilang anak. Sa aklat niyang Unbroken Faith, isinulat ni Diane na nahihirapan silang tanggapin na hindi matutupad ang mga pangarap nila para sa kanilang anak.

Sa kabila ng kalungkutan, natutunan…

Pagtanggap

Sa aklat niyang Breaking Down Walls, isinulat ni Glen Kehrein ang karanasan niya nang umakyat siya sa bubong ng dormitoryo nila nang mabaril ang aktibistang si Dr. Martin Luther King Jr. noong 1968. Sinabi ni Glen, “Dinig na dinig namin habang nasa loob ng malaking gusali ang mga putok ng baril. Nang umakyat na kami sa bubungan, nasaksihan namin ang…

Dakilang Dios

Mga tauhan sa kuwentong The Wonderful Wizard of Oz sina Dorothy, Scarecrow, Tin Man, at Cowardly Lion. Bumalik sila sa lugar ng Oz na dala ang walis ng salamangkero. Ipinangako sa kanila ng salamangkero na kapag naibalik nila sa kanya ang walis, ibibigay niya sa kanila ang pinaka-ninanais ng puso nila. Pero sinabi sa kanila ng salamangkero na bumalik na lamang…

Makapangyarihan

Ipinanganak si Saybie na napakaliit at kulang sa buwan. Isinilang siya sa edad na 23 linggo lamang. Sinabi ng mga doktor sa mga magulang ni Saybie na hindi magtatagal ang buhay niya. Pero patuloy na lumaban ang sanggol na si Saybie. May isang kulay rosas na papel ang makikitang nakadikit sa higaan niya. Nakasulat dito: “Maliit pero Malakas.” Makalipas ang…

Ang Tanging Daan

“Huwag kang dumaan sa expressway!” Ito ang natanggap kong text mula sa anak ko nang papaalis na ako ng opisina. Tila naging isang malaking paradahan ang buong highway. Matindi ang trapik sa lahat ng daan. Sinubukan kong maghanap ng ibang daan pero sumuko ako. Magiging mahaba ang biyahe ko pauwi kaya nagdesisyon na lang ako ng mag-iba ng daan at magtungo…

Mahabaging Dios

May naghagis ng isang malaking bato sa bintana ng kuwarto ng isang batang Israelita. Nakadikit sa bintana ang isang larawan ng bituin ni Haring David. Nakalagay din doon ang isang lagayan ng mga kandila na ginagamit sa templo na tinatawag na menorah. Ipinagdiriwang kasi noon ng mga Israelita ang Hanukkah, o ang Piyesta ng mga Ilaw.

Maraming mga kapitbahay ang…