Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Makinig Sa Panginoon

Mas tahimik siguro ang ating buhay kung hindi naimbento ang mga cellphone, WI-FI at iba’t ibang gamit ng makabagong teknolohiya. Ganito katahimik sa isang munting lugar sa West Virginia na kilala na pinakatahimik na lugar sa Amerika. Dito kasi matatagpuan ang Green Bank Observatory kung saan nakatayo ang pinakamalaking teleskopyo sa mundo. Kailangan ng teleskopyong ito ng tahimik na lugar upang…

Pinaglaho Na

Ang Alexa ay isang voice-controlled device na gawa ng Amazon. Ang maganda sa device na ito ay maaari mong burahin ang lahat ng mga sinabi mo rito. Ano man ang inutos mong gawin ni Alexa o ano mang impormasyon ang hiningi mo rito, sabihin mo lang na “Burahin mo ang lahat ng sinabi ko sa araw na ito” at mabubura nga ito. Sa kasamaang palad,…

Paglago

Minsan, nakakuwentuhan ko ang aking isang kaibigan tungkol sa pinagkakaabalahan niya. Sinabi niya sa akin na kasalukuyan siyang tumutugtog sa isang banda. Makalipas ang ilang buwan mula nang kami’y magkausap, naging sikat ang kanyang banda at ang mga awit nila ay pinatutugtog sa radyo at telebisyon. Mabilis ding sumikat ang aking kaibigan.

Humahanga tayo sa mabilis na tagumpay o pagsikat…

Manatili Kay Jesus

Bumili ako ng isang magandang lampara mula sa tindahan na nagbebenta ng mga murang gamit. Pero nang iuuwi ko ito sa aming bahay at nang isaksak ko ito para pailawin, hindi ito umilaw. Sinabi ng aking asawa na madali lang daw niya itong magagawa. Nang ayusin niya ang lampara, nakita niya na walang kable ng kuryente na nakakabit sa pinakasaksakan…

Larawan Ng Kawalang-pag-asa

Noong panahon ng Great Depression sa Amerika, kinuhanan ng larawan ng sikat na photographer na si Dorothea Lange si Florence Owens Thompson at ang kanyang mga anak. Ang larawang ito na may pamagat na Migrant Mother ay isang larawan na nagpapakita ng kapighatian ng isang ina dahil sa lubhang kahirapan na dinanas nila nang wala silang maani na pagkain. Dinala ni…

Hawak Tayo Ng Dios

Si Fredie Blom ang pinakamatandang taong nabuhay noong 2018. Ipinanganak siya noong 1904 at umabot siya sa edad na 114 taon. Nang tanungin siya kung ano ang kanyang sikreto bakit humaba ang buhay niya ay ganito ang kanyang sagot: “Tanging ang Dios lamang ang dahilan kung bakit humaba ang aking buhay. Makapangyarihan ang Dios. Hawak Niya ang aking buhay at…

Mahalin Ang Kapwa

Nang manirahan kami sa ibang bansa, isa sa naging karanasan ko noong simula ay tila hindi ako tanggap ng ibang tao roon. Minsan, sumimba kaming mag-asawa kung saan naimbitahan ang aking asawa na magturo ng salita ng Dios. Maya-maya ay may isang matandang lalaki ang tumitig sa akin at sinabi na umurong ako sa kinauupuan ko. Humingi ng paumanhin sa…

Kailangan Ng Karunungan

Nawawala ang dalawang taong gulang na si Kenneth kaya sobrang nag-alala ang kanyang mga magulang. Mabuti na lang at may nakakita sa kanya sa parke malapit sa kanilang bahay. Nangako pala ang nanay niya na pupunta sila sa parkeng iyon kasama ang kanyang lolo. Kaya naman umalis siya sakay ng kanyang laruang kotse-kotsehan at pumunta doon.

Alam ni Kenneth kung…

Pakikipaglaban Sa Dragon

Nasubukan mo na bang makipaglaban sa isang dragon? Ayon sa manunulat na si Eugene Peterson, bawat isa sa atin ay nakipaglaban na sa dragon. Para sa kanya kasi ang mga dragon ay ang mga bagay na kinatatakutan natin o ang mga mabibigat na pagsubok sa ating buhay.

Totoo nga naman na ang ating buhay ay punong-puno ng pakikipaglaban sa mga…

Pagtugon Sa Kritisismo

Isang mahusay na manunulat ang aking kaibigan. May isinulat siyang bagong libro at maraming magagandang puna ang natanggap niya mula rito. Nakakuha pa siya ng gantimpala sa pagsulat nito. Pero may isang sikat na magasin ang nagbigay ng hindi magandang pagpuna sa kanyang isinulat na libro. Tinanong kami ng aking kaibigan kung paano siya tutugon sa ganoong uri ng kritisismo.…