Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Nahuhuli Man

Isang bagong race car driver si Steve Krisiloff. Nahuhuli si Steve sa paligsahan ng Indianapolis 500. Dahil dito, walang kasiguraduhan kung makakapasok siya sa susunod na kompetisyon. Kalaunan, nalaman niyang ang oras na itinakbo niya roon ay pasok pa rin para makasali siya sa kompetisyon.

May mga pagkakataon sa ating buhay na tila nasa hulihan din tayo ng karera sa tuwing…

Mga Sulat

Mahigit isang milyong mga kabataan ang lumahok sa pandaigdigang kompetisyon sa paggawa ng sulat. Sa taong 2018, ang tema ng nasabing patimpalak ay, “Kung ikaw ay isang liham na may kakayahang maglakbay sa iba’t ibang panahon, ano ang nais mong sabihin sa mga makakabasa sa iyo?”

Binubuo rin naman ang Biblia ng maraming mga sulat. Salamat sa inspirasyon at paggabay…

Daluyan Ng Kapayapaan

Noong nangyari ang Unang Digmaang Pandaigdig, nasabi ng Briton na si Sir Edward Grey ang ganitong pangungusap, “Hindi na natin muli makikita ang liwanag ng mga lampara sa buong Europa sa buhay na ito.” Tama siya. Noong natapos na kasi ang digmaan na tumapos sa lahat ng hidwaan, 20 milyon katao ang namatay at 10 milyon dito ay mga sibilyan.…

Pamamaalam

“Malapit nang pumanaw ang tatay mo.” Iyan ang sinabi sa akin ng nars na nagbabantay sa kanya. Matinding kalungkutan ang nadama ko nang marinig ko iyon. Sa huling araw ng aming tatay, umupo ako at ang kapatid ko sa tabi niya. Hinagkan namin ang kanyang ulo at muli naming ipinaalala ang mga pangako ng Dios sa kanya. Inawit din namin…

Napalitan Ng Pagpupuri

Minsan, may isang grupo na namahagi ng mga damit panglamig sa mga bata. Sabik naman na pumili ng panglamig ang bawat isa. Mas naging kompiyansa sa sarili ang mga bata dahil sa kanilang mga bagong panglamig at inisip nila na mas matatanggap sila ng ibang tao. Madalas na rin silang makakapasok sa eskuwelahan tuwing taglamig.

Tila nangailangan din ng damit…

Minahal Ng Dios

Tila malaki ang tiwala sa sarili ng binatang si Malcolm. Pero isang pagkukunwari lamang ito. Lumaki siya sa isang magulong pamilya. Dahil dito, naging mahina ang loob niya. Palaging naghahanap ng pagtanggap mula sa iba si Malcolm at iniisip niyang kasalanan niya ang mga nararanasan nilang problema sa pamilya. Sinabi niya, “Bawat araw, humaharap ako sa salamin at sinasabi ko…

Magpatawad

Nagpuyos ang galit ko nang may ginawang hindi maganda ang isang babae sa akin. Nais kong ipaalam sa iba ang ginawa niya sa akin. Nais kong mahirapan din siya at maranasan ang ginawa niya sa akin. Tumindi ang galit ko hanggang bigla namang sumakit ang ulo ko. Habang nananalangin akong mawala ang pananakit ng ulo ko, bigla namang nangusap sa…

Tapos Na Ang Laban

Nagtago sa kagubatan sa loob ng halos dalawampu’t siyam na taon matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigidig si Hiroo Onoda. Ipinadala si Hiroo ng mga sundalong Hapon sa isang isla sa Pilipinas para maging espiya. Nang matapos ang digmaan, nanatili si Hiroo sa kagubatan. Hindi siya naniwala na nagkaroon na ng katapusan ang labanan. Noong 1974, pumunta sa isla ang pinuno…

Mabuting Pagtutuwid

Napakagandang mamasyal sa panahon ng tagsibol kasama ang aking asawa. Pero muntik nang mapalitan ang kagandahang iyon ng isang trahedya. Nakita ko ang isang senyas na nagsasabi na mali ang dinadaanan namin. Agad kong iniba ang daang tinatahak namin. Bigla ko ring naisip ang kapahamakang maaaring idulot nito sa amin kung hindi ko sinunod ang nakapaskil na senyas.

Binanggit naman…

Naipamanang Pananampalataya

Labis ang pagkahilig ng anak ko sa serye na tungkol sa isang batang babaeng detective na si Nancy Drew. Sa loob ng 3 linggo ay nakatapos siya ng 12 nobela. Marahil namana niya sa akin at sa kanyang lola ang pagkahilig dito.

Ang pagkahilig ko kay Nancy Drew ay nagpaisip sa akin kung ano pa ang iba kong naipamana sa aking…