Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Hanap-hanapin Ang Dios

Nagsisilbing inspirasyon sa atin ang pagpapakita ng lubos na dedikasyon ng mga tao para makamit ang kanilang pangarap. May isa akong kakilala na natapos ang kanyang kolehiyo sa loob lang ng tatlong taon. Matinding dedikasyon ang kailangan para magawa iyon. May kaibigan naman ako na nagsumikap para mabili ang kotseng pinakamimithi niya.

Maganda naman na may inaasam tayong mga bagay…

Sumunod Sa Nais Ng Dios

Isa ang North Lawndale sa Chicago sa mga unang komunidad na may nakatirang iba’t ibang lahi. Bumibili ang mga Aprikanong-Amerikano ng mga bahay na nakapaloob sa kontrata. Dahil nakakontrata lamang ang mga bahay, maaaring mawalan ng tahanan ang isang bumili kapag hindi niya nabayaran ang buwanang upa rito. May ibang mapagsamanatala naman na pinauupahan ang mga bahay sa mataas na…

Kayang Tumulong

Nang magkaroon ng walong buwang bakasyon si Joe sa kanyang trabaho, naging social worker siya sa isang simbahan sa Amerika. Naranasan din ni Joe ang tumira sa lansangan. Sa loob ng 13 araw, namuhay siya noon sa kalsada at halos walang makain. Iyon naman ang paghahandang ginawa sa kanya ng Dios para sa kanyang ministeryo sa pagtulong sa mga nangangailangan.…

Ang Tagapagligtas

Itinuring ang sundalong si Desmond na isa sa pinakamakatapang na tao pero hindi siya katulad ng inaasahan ng iba. Tumanggi kasi siyang gumamit ng baril. Bilang medic, mag-isa niyang iniligtas ang 75 sugatang sundalo mula sa labanan. Habang inililigtas niya ang sugatang sundalo, paulit-ulit na dalangin ni Desmond, “Panginoon, tulungan N’yo po akong makapagligtas pa ng isa.”

May inihayag naman…

Salitang Nagdudulot Ng Kagalingan

Napatunayan sa isang pag-aaral na mas mabilis gumaling ang mga pasyente na nakakarinig ng mga salitang nagbibigay ng lakas ng loob. Gumawa sila ng eksperimento kung saan naipakita na malaki talaga ang naitutulong sa mga pasyente ng mga positibong salita.

Alam din ito ng sumulat ng Kawikaan sa Biblia. Sinabi niya, “Ang matatamis na salita ay parang pulot-pukyutan, nakakapagpasaya at…

Hindi Ginamit Ang Pagkakataon

Minsan, habang nagpupulot ng basura ang mga bilanggo, biglang nahimatay ang nagbabantay sa kanila. Agad silang umaksyon nang makitang nangangailangan ito ng tulong. Hiniram pa ng isang bilanggo ang telepono nito upang humingi rin ng tulong sa iba. Kalaunan, pinasalamatan ng mga sheriff ang mga bilanggo dahil sa ginawang pagtulong at hindi nila ito hinayaan na lamang. Pinasalamatan din ang…

Ang Buong Kapahayagan

Narinig ng mga tao ang magandang boses ni Emily Blunt sa pelikulang Mary Poppins Returns. Nadiskubre lamang ng asawa ni Emily ang talento nito sa pagkanta sa ikaapat na taon ng kanilang pagsasama. Nang marinig niya sa unang pagkakataon ang boses ni Emily, namangha siya.

Madalas na may nadidiskubre tayong bago tungkol sa ibang tao na minsa’y hindi natin inaasahan.…

Lakas Sa Gitna Ng Pagsubok

Noong 1948, dinakip si Haralan Popov na nagsisilbing pastor sa isang underground church. Labis ang pagpapahirap ang ginawa kay Haralan sa loob ng bilangguan. Pero, sa tulong ng Dios, natiis niya ang lahat ng iyon at nagawa pa niyang ipahayag si Jesus sa mga kapwa niya bilanggo. Pagkaraan ng 13 taon, nakalaya rin si Haralan at patuloy na ipinahayag ang…

Kagalakan at Pagsunod

Isang bagong sumasampalataya kay Cristo ang lubos na nagnanais na makapagbasa ng Biblia. Mahirap ito para sa kanya dahil nawalan siya ng paningin at naputol din ang dalawang kamay sa isang pagsabog. Sinubukan niyang magbasa ng Braille na ginagamit ng mga bulag para makabasa. Sinikap niyang magbasa gamit ang kanyang labi pero naapektuhan din pala ito ng pagsabog. Kalaunan, nalaman…

Lubos Na Minimithi

Takot si Duncan na maging salat sa pera kaya nagsikap siya nang husto para sa kanyang kinabukasan. Nakapagtrabaho naman siya sa isang prestihiyosong kumpanya. Nakaipon siya ng maraming pera, nagkaroon ng magarang sasakyan, at nakabili ng napakamahal na bahay. Pero kahit nakamit ni Duncan ang mga minimithi niya, hindi pa rin siya nasiyahan at nakaramdam lang ng kabalisahan. Sinabi pa…