Posible ang Pagbabago
Minsan, nagtipon-tipon ang ilang grupo ng mga kabataang sumasampalataya kay Jesus para pagbulayan ang sinasabi sa Filipos 2:3-4, “Huwag kayong gumawa ng anumang bagay dahil sa makasariling hangarin o sa paghahangad na maitaas ang sarili. Sa halip, magpakumbaba kayo sa isa't isa at ituring na mas mabuti ang iba kaysa sa inyo. Huwag lang ang sarili ninyong kapakanan ang isipin n'yo…
Gumagaan ang Pagsubok
Ang Experience Project ay isang social networking site noon kung saan nagpapadala ang mga miyembro ng mga kuwento tungkol sa kanilang mapapait na karanasan. Habang binabasa ko ang mga ito, nakita ko ang matinding pagnanais ng bawat isa sa atin na magkaroon ng mga makakakita at makakaunawa sa ating mga pinagdaraanan.
Naranasan iyon ng aliping si Hagar noong hindi mabuti ang kalagayan…
Bagong Puso
Minsan, nakatanggap ako ng hindi magandang balita tungkol sa aking ama. Sumakit ang kanyang dibdib dahil may nakabara pala sa ugat ng kanyang puso. Dahil dito, kailangan siyang operahan. Nag-aalala ang tatay ko noon pero dahil ooperahan siya sa mismong Araw ng mga Puso, gumaan ang kanyang pakiramdam. Sabi niya, “Magkakaroon ako ng bagong puso sa Araw ng mga Puso!” At…
Nilinis
Nang minsang maglaba ako, napuno ng tinta ng ballpen ang mga puting tuwalyang nilalabhan ko. Kumalat ang asul na tinta sa mga tuwalya. Kahit ibabad ko pa ang mga ito sa anumang pampaputi, hindi na matatanggal ang mantsa sa mga tuwalya.
Itinapon ko ang mga tuwalya kahit labag sa kalooban ko. Habang itinatapon ko ang mga ito, naalala ko ang sinabi…
Makita ang Sarili
Minsan, tiningnan ng isang lalaki ang CCTV na ikinabit niya sa kanyang bahay para siguraduhin na gumagana ito. Naalarma siya nang makita sa CCTV na may umaaligid sa kanyang bakuran. Pinanood niya ito nang mabuti para makita kung ano ang gagawin ng lalaki. Mukhang pamilyar sa kanya ang lalaki hanggang sa mapagtanto niya na siya pala mismo ang napanood niya sa…
Ang Nahating Tabing
Madilim at mapanglaw ang araw na iyon sa labas ng lungsod ng Jerusalem. Makikitang nakapako sa krus ang Lalaking nagkaroon ng maraming tagasunod sa loob ng tatlong taon. Kahiya-hiya ang Kanyang sinapit at kitang-kita na lubos siyang pinahirapan. Maririnig naman ang pagtangis ng mga nagmamahal sa Kanya. At natapos ang Kanyang labis-labis na pahihirap nang sumigaw Siya, “Tapos na!” (MATEO 27:50;…
Sa Huling Sandali
Minsan, kinailangan akong isugod sa ospital. Bago maisara ang pinto ng ambulansya, tinawag ko ang aking anak. Kausap niya noon sa telepono ang aking asawa. Sinabi ko sa kanya, “Pakisabi sa nanay mo na mahal na mahal ko siya.”
Dahil maaaring iyon na ang huling sandali ng aking buhay, gusto kong ipaalam sa asawa ko kung gaano ko siya kamahal. Iyon…
Pinakamagandang Regalo
Ang pinakamagandang regalo na natanggap ko mula sa kaibigan kong si Barbara ay ang Biblia. Sinabi niya sa akin, “Mas lalo kang mapapalapit sa Dios kung maglalaan ka ng oras sa Kanya sa bawat araw sa pamamagitan ng pagbabasa ng Biblia, pananalangin, pagtitiwala at pagsunod sa Kanya.” Nagbago ang aking buhay simula nang hikayatin ako ni Barbara na mas kilalanin…
Manlilikha at Tagapangalaga
Ang Swiss na si Philippe ay gumagawa ng mga relo. Ipinaliwanag niya sa akin kung paano niya masusing hinihiwalay, nililinis at muling pinagsasama-sama ang maliliit na bahagi nito. Ipinakita niya rin sa akin ang pinakamahalagang bahagi ng isang relo, ito ay ang tinatawag na mainspring. Sinabi ni Philippe na kung wala ito, hindi gagana ang kahit na anong relo.
Tinatalakay naman…
Magsilbing Ilaw
Namulat ang aming mga isipan nang pumunta kami sa isang mahirap na lugar sa bansang Kenya noong 2015. Kasama ko noon ang mga kapwa ko sumasampalataya kay Jesus. Bumisita kami sa isang eskuwelahan kung saan madumi ang sahig at kalawangin ang dingding na yari sa metal. Sa kabila ng ganoong paligid, nangibabaw ang gurong si Brilliant.
Bagay na bagay kay Brilliant…