Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Maging Matapang

Nagpunta kaming mag-asawa noon sa Righteous Among the Nations Garden na makikita sa Yad Vashem na isang museo sa Israel. Nakatala roon ang pangalan ng mga nagbuwis ng buhay para iligtas ang mga Judio noong panahon ng Holocaust. Habang nandoon kami, may nakilala kaming grupo na taga-Netherlands. Isa roon ang babae na hinahanap ang pangalan ng kanyang lolo at lola sa listahan.…

Malayang Pagsunod

Minsan, inaya ako ng mga anak ko na maglaro sa snow. Napakaginaw noon kaya nag-alinlangan ako. Pumayag na rin ako sa huli pero iniutos ko na magsuot sila ng makakapal na damit, huwag maghiwa-hiwalay at bumalik agad pagkatapos ng labinlimang minuto.

Ginawa ko ang mga utos na iyon dahil sa pagmamahal ko sa kanila at para malaya silang makapaglaro nang hindi…

Malawak

Habang ipinapalabas sa telebisyon ang panunumpa ng kauna-unahang African-American na naging presidente ng US, ipinakita ang kuha na panoramic view ng mga taong nanonood na umabot ng halos dalawang milyon. Sabi ng tagapag-ulat ng CBS News, “ang bida sa balitang ito ay ang malawak na kuha ng camera.” Iyon ang tanging paraan para makuhanan ang napakaraming taong iyon na dumalo sa pagtitipon.…

Tumulong

Humingi ng tulong ang isang lalaki sa kanyang kapamilya para sa kanyang bayarin. Mabigat para sa kanila na tulungan siya dahil marami din silang mga dapat bayaran. Pero kahit ganoon, ginawa nila ang lahat para tulungan siya.

Sumulat ang lalaki sa kanila bilang pasasalamat, “Lagi na lang kayong tumutulong, pero iniisip n’yo na maliit na bagay lang ito.”

Hindi maliit…

Pakitang-Tao

Hindi halos makilala ng guro ang isa sa kanyang mga estudyante nang magkaroon sila ng field trip. Mukha kasi itong matangkad sa tuwing pumapasok sa kanilang eskuwelahan dahil sa pagsusuot ng sapatos na may napakataas na takong. Pero sa pagkakataong iyon, dahil naka boots lang ang estudyante, maliit lang pala talaga siya. Sabi ng estudyante, “Kapag nakatakong ako, iyon ang gusto…

Anak na ng Dios

Habang idinadaos ang aming church service at sinasambit ang Lord’s Prayer, magkakahawak kami ng kamay ng mga magulang ko. Dahil dito, naisip ko na kahit matanda na ako ay matatawag pa rin akong anak nina Leo at Phyllis. Naisip ko rin sa pagkakataong iyon ang katotohanang anak din ako ng Dios at hindi na iyon magbabago.

Ito rin ang nais iparating ni…

Awit ng Nilikha

Gamit ng mga siyentipiko ang tinatawag na acoustic astronomy upang maobserbahan at mapakinggan ang mga tunog at ritmo sa kalawakan. Natuklasan nila na gumagawa ng tunog ang mga bituin habang umiikot ang mga ito.

Tulad ng ginagawang tunog ng mga balyena, nakakagawa rin ng malakas at paulit-ulit na tunog ang mga bituin na maaaring hindi naririnig ng mga tao. Gayon pa man,…

Saan Ka Patungo?

Ano ang nagbibigay ng direksyon sa iyong buhay? Nasagot ko ang tanong na ito nang mag-aral ako kung paano magmotor. Bahagi ng aming pagsasanay doon ay ang tungkol sa target fixation.

Sinabi ng aking tagapagturo, “May mga pagkakataon na dahil sa sobrang pagtuon ng ating paningin sa isang bagay na iniiwasan, mas lalo pa tayong babangga rito.” Pero kung mas lalawakan natin…

Mahalin Ang Asawa

Kilalang sayaw ng mga Mexican ang Jarabe Tapatio na nagpapakita ng pag-iibigan ng magkapareha. Sa pagtatapos ng sayaw, itinatakip ng magkapareha ang isang sombrero sa kanilang mga mukha upang maitago ang paghalik nila sa isa’t isa na selyo ng kanilang pagmamahalan.

Ang sayaw na ito ay nagpapaalala sa akin ng kahalagahan ng pagiging tapat ng mag-asawa sa bawat isa. Mababasa naman natin…

Magtanong Nang May Pagsamba

Madalas nating naririnig ang mga tanong na, “Malapit na ba?” o “Matagal pa ba?” kapag nasa biyahe tayo. Dahil sa pananabik na makarating agad sa pupuntahang lugar, ito ang mga katanungang bukambibig ng mga bata man o matanda. Ganito rin ang mga tanong natin kapag pinanghihinaan na tayo ng loob dahil sa mga nararanasan nating pagsubok sa buhay na tila hindi…