Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Ang ating mga Alaala

Maaaring manatili sa ating puso ang galit, kalungkutan at kawalan ng kapayapaan dulot ng mga nararanasan nating kabiguan. Malaki ang epekto nito sa ating buhay, piliin man nating kalimutan o kimkimin nalang. Sinisikap nating kalimutan ang sakit pero sa tuwing naaalala natin ang pangyayari, mapagtatanto nalang natin na masakit pa rin pala.

Ipinapaalala naman ni Oswald Chambers na isang tagapagturo ng…

Limang Minuto

May nabasa ako tungkol sa ginagawa ng isang ina para sa kanyang mga anak. May batas sa bahay nila na laging maglalaan ng limang minuto bago ang oras ng pag-alis nila ng bahay.

Kapag magkakasama na sila, isa-isang idinadalangin ng ina ang kanyang mga anak para gabayan at pagpalain ng Dios ang araw na iyon. Pagkatapos manalangin, isa-isa niyang hahalikan ang…

Nag-iisa sa Kalawakan

Ikinuwento ni Al Worden na piloto ng Apollo 15 ang karanasan niya nang nasa kalawakan siya na malapit sa buwan. Tatlong araw siyang nag-iisa dahil nasa kabilang bahagi ng buwan ang kanyang mga kasama. Tanging ang kasama raw niya ay ang mga bituin na parang binabalot siya ng liwanag nito.

Naranasan din naman ni Jacob na binanggit sa Lumang Tipan ng…

Paghawak

Nagkaroon ng pagkakataon si Kiley na makasama sa pagmimisyon sa bansang Africa para gamutin ang mga may sakit. Nag-aalala siya dahil wala naman siyang alam sa panggagamot. Pero alam niyang makakatulong pa rin ang simpleng pag-aalaga sa mga may sakit.

Habang nandoon, nakilala niya ang isang babae na may malalang sakit pero magagamot naman. Kahit na pinipigilan ng babae na lumapit…

Mga tanong sa Dios

Ano kaya ang magiging reaksyon mo kung bigla na lang nagpakita sa iyo ang Dios? Ganito ang nangyari kay Gideon na isa sa mga hukom noon ng mga Israelita. “Nagpakita sa kanya ang Panginoon at sinabi, “Ikaw, magiting na sundalo, ang Panginoon ay sumasaiyo.” Sumagot si Gideon, “Kung sumasaamin nga ang Panginoon, bakit ganito ang kalagayan namin?” (HUKOM 6:12-13 ASD). Nais…

Habang-buhay Mamahalin

Minsan, parang napakaimposible na matapos ang araw na hindi tayo nakakaranas ng pangmamaliit o pagbabalewala ng iba. May pagkakataon pa nga na ginagawa natin ito sa ating sarili.

Nakaranas din naman si Haring David ng mga pangaalispusta at pangmamaliit mula sa kanyang mga kaaway. Dahil doon, bumaba ang tingin niya sa kanyang pagkatao at pagpapahalaga sa sarili (AWIT 4:1-2). Kaya naman…

Pagsapit ng Umaga

Hating-gabi na nang dumating kami sa aming tutuluyan. Maaliwalas ang aming kuwartong tutulugan. Mayroon itong balkonahe. Tiningnan ko ang puwedeng makita mula doon kaya lang, masyado pang mahamog at madilim ang paligid. Pagsapit ng umaga, sumikat ang araw at nawala na ang hamog sa paligid. Pumunta akong muli sa balkonahe at namangha ako sa aking nakita. Napakapayapa ng luntiang pastulan at…

Pamalit sa Galit

Minsan, nagulat si Fionn Mulholland na taga bansang Australia na nawawala ang kanyang sasakyan. Napagtanto niya na naiparada niya pala ito sa isang lugar kung saan bawal pumarada. Kaya kinuha ang kanyang sasakyan. Dinala ito sa isang lugar na pinaglalagyan ng mga sasakyang nakaparada sa mga lugar na bawal paradahan. Alam ni Fionn na kailangan niyang magmulta at magbayad sa kumuha…

Unawain ang Iba

Minsan, nagsalita ako sa isang pagtitipon ng mga nagtitiwala kay Jesus na mga taga Jamaica. Binati ko sila sa pamamagitan ng sarili nilang wika. Sinabi ko, “Wah Gwan, Jamaica?” Hindi ko inaasahan ang naging reaksyon nila. Nagpalapakan ang iba at ang iba nama’y nakangiting bumati sa akin.

Ang totoo isang simpleng pagbati lang naman ang ginawa ko sa kanila. Pero para…

May Makakapitan

Minsan, may pangyayaring naganap sa isang tren sa bansang Canada. Tinulungan ng 70 taon matandang babae ang isang binatang lalaki. Walang lumalapit noon sa binata para tulungan siya sa pagkakahulog nito sa butas ng sahig ng tren. Natatakot kasi ang ibang pasahero sa kanya dahil sa malakas na boses nito at sa masasamang sinasabi niya. Pero tinulungan siya ng matanda. Nagpasalamat…