Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

ANG AWTORIDAD NI JESUS

Bagama’t pinalaya na ni Jesus ang aking anak na si Geoff mula sa pagkalulong sa droga, nag-aalala pa rin ako. Paminsan- minsan, dahil sa hirap ng pinagdaanan namin, mas nakatuon ang pansin ko sa masama niyang nakaraan imbes na sa magandang hinaharap niya sa Panginoon. Bilang magulang, nag-aalala akong baka bumalik siya sa dating buhay. Isang araw, sa isang pagtitipon…

MANLILIKHANG MAAASAHAN

Isa sa mga kilalang karakter ng panitikan ang “halimaw” sa nobelang Frankenstein, na isinulat ni Mary Shelley. Ngunit para sa mga masugid na mambabasa ng nobelang ito, si Victor Frankenstein—ang siyentipikong lumikha sa nilalang—ang tunay na halimaw. Matapos kasi niyang lumikha ng matalinong nilalang, hindi niya ito binigyan ng anumang patnubay, pakikisama, o pag-asang lumigaya. Ito ang siyang nagtulak sa…

HINDI MAHIGITANG PAG-IBIG

Minsan, noong nasa kindergarten pa lang ang anak kong si Xavier, iniunat niya ang braso niya at sinabing, “Ganito kita kamahal.” Iniunat ko rin ang braso ko, “Ganito naman kita kamahal.” Sagot niya, “Una kitang minahal.” Napailing ako, “Minahal na kita simula pa noong nilagay ka ng Dios sa sinapupunan ko.” Nanlaki ang mata niya, “Panalo ka na.” Sagot ko naman,…

MANALANGIN AT MAGBANTAY

Sa lugar ng Florida, natuklasan ng isang ginang ang panganib dahil sa maling paraan ng pananalangin. Kapag nananalangin siya, ipinipikit niya ang kanyang mata. Sa katunayan, isang araw, nanalangin siya nang nakapikit habang nagmamaneho! Hindi siya nakahinto sa tamang hintuan at sumadsad sa bakuran ng isang bahay. Sinubukan niyang umatras mula sa bakuran, pero nabigo siya. Bagama’t hindi siya nasaktan,…

KATUWANG NA MGA ANGHEL

Pagkatapos ng sunod-sunod na mga medikal na pagsusuri kay Bev, nakaramdam siya ng matinding pagod at pangamba. Nag-alala siya nang sabihin ng doktor na posibleng may kanser siya. Sa kabila nito, pinalalakas siya ng Dios bawat araw sa pamamagitan ng kapayapaang nakukuha niya sa pagbabasa ng Biblia. Bagama’t lumalaban siya nang walang katiyakan, sa huli, natutunan niyang ibigay sa Panginoon…

BUNUTIN ANG DAMO NG PAG-AALALA

Matapos kong magtanim ng ilang buto sa aking bakuran, hinintay ko ang resulta. Nabasa kong tutubo ang mga ito sa loob ng sampu hanggang labing-apat na araw. Hindi nagtagal, may ilang dahon na akong nakitang sumisibol. Ngunit sinabi ng asawa kong mga damo lang iyon. Pinayuhan niya akong bunutin agad ang mga ito upang hindi makasagabal sa paglago ng binhi…