Wastong Pananalita
Sa mga nagdaang taon, iminumungkahi ng mga manunulat ng tungkol sa Dios na dapat muling sariwain ng mga taong sumasampalataya kay Cristo ang tunay na kahulugan ng pananampalataya. Sinabi ng isang manunulat na tila nawawala ang tunay na kahulugan ng isang salita kapag lagi itong ginagamit. Sinabi rin niya na maaaring malayo ang tunay na pagkakaunawa natin sa Magandang Balita…
May Pag-asa
Sa isang kuwento sa komiks, nag-anunsyo ang isang karakter doon na gumagamot siya ng mga karamdaman sa isip kapalit ng limang sentimo. May nagpagamot naman na nakadarama ng isang matinding kalungkutan. Nang magtanong ito kung ano ang gagawin niya para malampasan ito, sumagot agad ang manggagamot na “Mawawala rin ’yan. Pakiabot ang limang sentimo.”
Tila nakakatawa ang tagpong iyon. Pero…
Kilala Mo Ba Si Jesus?
Namatay noong 2019 si Charlie VanderMeer sa edad na walampu’t apat. Sa loob ng mahabang panahon, libu-libong mga tao ang nakakakilala sa kanya bilang Uncle Charlie. Siya ang nangunguna sa isang programa sa radyo na Children’s Bible Hour. Isang araw bago pumanaw si Uncle Charlie, sinabi niya sa matalik niyang kaibigan, “Hindi mahalaga kung ano ang nalalaman mo. Sa halip,…
Iniligtas Sa Apoy
Dalawang bumbero ang pagod na pagod at pawis na pawis na nag-aalmusal sa isang restawran. Naibalita sa telebisyon ang ginawa nilang pag-apula ng nasusunog na bodega. Nakilala sila ng serbidora. Para magpakita ng pagpapahalaga sa ginawa ng dalawang bumbero, sumulat ang serbidora sa listahan ng babayaran nila. “Libre ko na ang almusal ninyo. Maraming salamat sa paglilingkod at pagliligtas ninyo…
Mahalin Ang Kaaway
Sa loob ng labin-limang taon, naging lugar ng pagtitipon ang tindahan ni Mike Burden laban sa mga taong hindi nila kalahi. Nagbago lamang ang pananaw ni Mike nang tanungin siya ng asawa niya kung bakit siya sumasama sa grupong iyon. Napagtanto niya na mali ang kanyang ginagawa laban sa mga hindi niya kalahi. Dahil sa pagbabago ng kanyang pananaw, pinalayas…
Nananahan Sa Atin
Minsan, may mga nasasabi ang mga bata na makatutulong para mas maunawaan natin ang mga katotohanan tungkol sa Dios. Noong maliit pa ang anak ko, sinabi ko sa kanya ang isang katotohanan tungkol sa pananampalataya. Ipinaliwanag ko sa anak ko na kapag nagtiwala ang isang tao sa Panginoong Jesus, nananahan sa atin ang Dios sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.…
Hindi Nakikita
Ayon sa mga mananalaysay, nagsimula ang Atomic Age noong Hulyo 16, 1945. Naganap ito nang pasabugin ang unang bombang gawa sa lakas ng atom sa isang disyerto ng New Mexico. Pero bago pa mangyari iyon, matagal nang sinasaliksik ng dalubhasang si Democritus (460-370 BC) ang tungkol sa lakas ng mga atom. Ang Atomic Theory ang naging bunga ng kanyang pagsasaliksik sa mga hindi…
Gatas Muna Ang Ipakain
Noong unang panahon, binubuo ng maraming kaharian ang bansang United Kingdom. Nagtitiwala kay Jesus ang Hari sa lugar ng Northumbria na si Oswald. Kaya naman, nag-utos siya na magpapunta ng isang taong nagpapahayag ng Salita ng Dios sa kanilang lugar. At iyon ay si Corman, kaya lang, hindi siya nagtagumpay magpahayag dahil ayon sa kanya, matitigas ang ulo ng mga…
Sa Iyong Tabi
Minsan, isinugod sa Ospital si Joe, dahil sa labis na kapaguran niya sa kanyang pagtatrabaho. Sobrang dami kasi ng ginagawa ni Joe. Gusto niya pa sana magpatuloy, pero hindi na kinaya ng kanyang katawan. Isang kaibigan naman ang nag-alok ng tulong para gumawa ng isang pagkakawanggawa para sa perang kailangan ni Joe pangbayad sa Ospital.
Noong una, tumatanggi pa siya,…
Magpahinga Ka
“Tay, puwede po ba na magbasa kayo ng libro para sa akin?” Tinanong ako minsan ng aking anak. Nanibago ako kasi habang lumalaki ang anak ko na iyon, malimit niya na akong pinapabasa ng mga libro para makatulog siya. Pumayag naman ako sa hiling niya, at habang nagbabasa ako, inilagay niya ang kanyang ulo sa aking mga binti upang humiga.…