Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Komunidad

Ayon kay Henri Nouwen ang komunidad ay isang lugar kung saan nakatira ang iba’t ibang uri ng tao na kadalasa’y mga hindi natin gustong makasama. Natural sa ating mga tao na magnais makasama ang mga taong gusto natin kaya naman bumubuo tayo ng samahan, hindi ng komunidad. Makakabuo ang kahit sino ng samahan pero mahirap ang bumuo ng isang komunidad. Nangangailangan…

Tunay Na Paglilingkod

Sikat noon ang mga pelikulang may halong awitan. Ang mga aktres na sina Audrey Hepburn, Natalie Wood, at Deborah Kerr ang kilala sa larangang iyon. Pero lingid sa kaalaman ng marami, ang boses ni Marni Nixon ang ginamit ng mga aktres sa pag-awit. Malaki man ang naibahagi ni Marni sa tagumpay ng mga pelikula, hindi siya nabigyan ng karapat-dapat na parangal.…

Takot na takot Ako

“Takot na takot ako.” Ito ang isinulat sa Facebook ng isang kabataan at ipinaliwanag na ang kanyang takot ay dahil sa paghihintay niya sa resulta ng mga pagsusuring medikal na ginawa sa kanya. Nag-aalala siya habang hinihintay ang sasabihin ng mga doktor kung ano talaga ang sanhi ng kanyang sakit.

Sino sa atin ang hindi natakot noong mga panahong humarap tayo…

Isuot Ninyo

Sinabi ni Lauren Winner sa isinulat niyang librong, Wearing God, maipapakilala natin sa iba kung sino tayo sa pamamagitan ng ating pananamit. Kahit hindi tayo magsalita, malalaman ng iba kung ano ang ating trabaho, estado sa buhay at maging ang ating pakiramdam dahil sa mga isinusuot natin. Totoo rin ito sa ating mga sumasampalataya kay Jesus. Maaari nating maipakilala si Jesus…

Nakatakdang Panahon

Habang nasa eroplano ako, pinagmamasdan ko ang isang ina kasama ang kanyang mga anak. Nilalambing nito ang kanyang anak na sanggol. Nasiyahan ako sa panonood sa kanila na may halong panghihinayang dahil naalala ko ang mga panahong nasa mga ganoong edad pa lang ang aking mga anak at ang mga oras na lumipas.

Pinagbulayan ko noon ang sinabi ni Haring Solomon…

Makapangyarihan sa Lahat

Ang Iguazu Falls na nasa hangganan ng Brazil at Argentina ay binubuo ng 275 na talon. Kamanghamangha ang mga ito. May pader sa isang bahagi ng Iguazu Falls kung saan nakasulat ang talatang Awit 93:4, “Higit na makapangyarihan kaysa sa dagundong ng maraming tubig, kaysa sa malalakas na hampas ng alon sa dagat, ang Panginoon sa itaas ay makapangyarihan!” Sa ibaba…

Mga Bansag

Sa isang lugar sambahan, nakaugalian nila na batiin at tanggapin ang kanilang mga bisita sa kakaibang paraan. Ipinapakita nila ang mga card na may nakasulat na, “Kung ikaw ay banal, makasalanan, talunan, matagumpay, matatakutin, pwedeng-pwede ka rito."

Madalas na pinangangatawanan na natin ang mga bansag sa atin kahit hindi naman talaga tayo gano’n. Tayo rin ay nagbibigay ng bansag sa ibang…

Tulad ng Ama

Hindi ba’t nakakatuwang makita na ginagaya ng mga bata ang kanilang magulang? Madalas na may makikita tayo na isang bata na kunwari’y may hawak na manibela at ginagaya ang kanyang ama na nagmamaneho.

Ginagawa ko rin iyon noong bata ako. Natutuwa ako kapag nagagaya ko ng husto ang aking ama. At alam kong mas natutuwa siya dahil ginagaya ko ang mga…

Malalim na Ugat

Ang puno ng sequioa ay isa sa mga punong pinakamataas at pinakamatagal ang buhay sa buong mundo. Ang taas nito ay umaabot ng mga 91 metro at may bigat na nasa 1.1 milyong kilo at tumatagal ng mga 3,000 taon. Dahil ito sa mga malalalim at malalaking ugat na nagsisilbing pundasyon ng puno.

Napakalalim at napakalaki man ng mga ugat na…

Inihahanda ng Dios

Dalawang taon akong nagtrabaho noon sa isang kainan. Nahirapan ako dahil kinailangan kong harapin ang mga nagrereklamo at humingi ng pasensya sa kanila kahit hindi naman ako ang nagkamali. Nang umalis na ako sa kainan, sinubukan kong pumasok sa isang trabaho na may kinalaman sa computer. Natanggap ako dahil maayos akong makitungo sa mga tao sa dati kong trabaho. Mas interesado…